Saturday, August 25, 2007

Sino nga ba ako?!

*What other people don't know about me*

(these things listed are what others don't know about me coz they don't ask me, i don't tell them, or i just don't know....)

=> nong bata ako, tinambangan kami ng NPA.
=> may uka ako sa ulo. malapit sa may temporal lobe...
=> pag inuubo ako, kumakain ako ng ice cream... naniniwala kasi akong mabisang gamot ang ice cream sa ubo...
=> pag mag-isa na lang ako sa room, kinakausap ko ang sarili ko at minsan (gaano kadalas ang minsan sa akin?) nakikipagdebate pa ako...
=> nong nadapa ako, umiyak ako tapos tumawa ako kasi umiyak ako nong nadapa ako... weird!!!
=> tamad akong mag-aral!!! umaasa lang ako sa mga instincts ko at tsamba!!!
=> i hate violet!!! para kasi sakin pampatay yun... weird talaga... kasi isa sa gusto ko ang blue na halos magkashade...
=> mahilig akong kumanta... kumanta ng wala sa tono... minsan itinataas ko yung nota tapos tuloy tuloy na yung taas kaya niloloko ko na lang...
=> hindi ako marunong uminom ng tablet, capsule... until i graduated... at kung kelan neccessity na ang uminom ng gamot...
=> ayaw ko ng reply na ok, k, aok, at ah ok lang... yung hehe pwede pa...
=> pag masakit ang ulo ko, binabasa ko ng malamig na tubig ang ulo ko o itinutulog ko ang sakit na nararamdaman at humahantong sa mas matinding sakit ng ulo...
=> hindi ako mahilig magbasa ng libro... until ngayon na pinipilit kong magbasa...
=> malakas akong uminom ng tubig o fluids(i mean liquids na naiinom baka pilosopohing ako ng iba na kasama sa fluids ang hangin...)... nakakatatlong pitcher ako pag nasa mood... ewan ko na lang pag wala...
=> bagay akong maging writer kasi malawak ang imahinasyon ko... kasi may tumatawid lang na matanda e marami na akong naisip... na pwede kong gawan ng kwento... na masasagasaan siya...
=> matagal akong maligo... minsan umaabot ako ng one hour and fourteen minutes... kasi inuulit ulit ko ang proseso ko... hanggang sa maging pasas na ang mga daliri ko...
=> hindi ko pinapahalagahan ang mga barya... pag nalaglag na yun, di ko na piupulot... tapos pag sukli ang barya sakin... nilalagay ko na lang sa bag kaya nang maglinis ako ng bagay higit kumalang umabot sa two hundred hanggang three hundred ang barya sa lahat ng bag ko...
=> adik ako sa ballpen... hindi yata ako nakaubos ng sampu kasi pag nasa kalahati na ayun bili ng bago...
=> mahilig akong mag-eksperimento sa pagluluto... minsan masarap ang luto pero madalas hindi ako ng nagluluto...
=> tahimik ako... sa una.... hindi umiimik kahit ay nakikita na pero pag napuno na... wala na...
=> isa akong dakilang asaness... pero pag nagsawa na wala nang makakapilit sa kin...
=> dati may collection akong bag... dati yun... pinamigay ko na kasi hindi naman lahat magagamit...
=> nagagalingan ako kay bob ong... at medyo nakakarelate ako don sa mga pinagsasabi niya...
=> pangarap kong maging journalist... kaso pangarap na lang ata yun...
=> when i look at the mirror, i assess myself tapos tinatawan ko yung sarili ko...
=> pag gusto kong magsenti, maggitara, walang magawa at gusto ko lang magpalamig.., pumupunta ako sa terrace... don nakaupo ako... yung malapit sa bubong...
=> gusto ko pag natutulog napapalibutan ako ng unan...
=> ayoko ng ipis!!! nakakainis sila... lalo na trespassing... hindi naman imbitado pumupunta kahit walang party!!! malas lang talaga katabi namin bakery!!!
=> ayoko din ng langgam!!! natatandaan ko ginawa nilang bahay yung lalagyanan ko ng medal na ginawa ko nong grade 5 ako sewing kit yon... di ko naman mapapakinabangan ginawa ko na lang lalagyan ng medal... ayun sinabit ko sila...
=> ang favorite subject ko sa high school e physics... kasi exciting at nakakaloko... at kasi yung favorite teacher ko yung nagtuturo eh... pero classmate, meron kayong hindi alam... haha...
=> i love books kaso hindi ko lahat binabasa...
=> pinangalanan ko yung gitara ko ng kaitou...
=> naadik ako sa detective conan...
yung iba sa susunod naman....

No comments: