Saturday, August 25, 2007

i am more than what you see

di ko alam kung ano na naman ang nilalaman nito. di ko alam kung ano ang mapupulot niyong bulok na aral. wala akong naiisip ngayon. wala!
ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kokote ko at nagpost na naman ako dito. di ko alam. kumbaga hahayaan ko na lang ang paa ko na dalhin ako sa lugar na gusto niya. kaya hahayaan kong maglakbay ang bawat daliri ko sa bawat "butones" sa keyboard na ito. hahayaan kong bumuo ng salita ang bawat nilakbay ng daliri ko.

maikli lang ang gusto kong haba ng post nito. nasabi ko na. ewan ko kung paano pero naisip kong tama yung mga nabuong salita. medyo malalim. pero lumulutang ang bawat aral. oo. sa hindi inaasahang pagkakataon, nakagawa ako ng post ng walang preparasyon. nang hindi nag-oobserba. wala. isa lang akong baguhan.

oo. baguhan. amateur. katapusan ng post na ito.

No comments: