Sunday, August 26, 2007

life's full of regrets

eto na naman.. umaarangkada yung motor sa utak ko.. gumagawa ng ingay na umaalululong at nagtatawag ng pansin.. humihikayat.. nagpaparamdam.. nagpapahiwatig na di ko alam..

ilang taon na ba ang nilalagi ko sa mundong ito? bakit parang andami kong gustong balikan.. sariwain at mga pinagsisisihan.. mga bagay na sanay ginawa at hindi ginawa.. mga pangyayaring sanang hindi naganap..

naku, kolehiyo na ako.. frosh.. first term.. pero nasa puso ko parin ang high school.. hinahanap hanap.. sa pagsariwa ko sa mga alaala, di ko napansin ang paggalaw ng mundo..

di ko napansin na iniiwanan na ako ng mundo.. ang pagtahak sa pag unlad.. tungo sa hinaharap.. hindi ko napansin patapos na ang term.. patapos na ang maliligayan araw ng B10.. B10 na dumamay sa kin kahit hindi nila sinasabi.. B10 na umapi, umalipusta, yumurak sa pagkatao ng isa't isa.. B10 na puno ng saya.. di ko napansin na napapako na ako sa mundong dapat ay lumipas na..

oo, high school nga ang "the best".. the best sa lahat.. kalokohan.. iyakan.. dramahan.. halakhakan.. kagaguhan.. kalaswaan.. katarantaduhan.. lahat.. isa sa mga di ko malilimutan.. pero madami din akong pinalampas sa high school.. di lang mga contest na di ko sinalihan.. mga tanong sa recitation na di ko sinagutan.. mga quiz na di ko pinagbutihan.. mga taong di ko pinangarap makakwentuhan.. madami pa..

sa sobrang dami baka abutin ako ng isang milenyo.. pero di naman siguro.. hindi rin ganun kadami ang atraso ko sa sarili ko.. ako ang nagpasya wala ng iba.. kinontra ko na ang nakaraang post ko na walang sisihan..

madami akong dapat pagsisihan.. madami.. pero hindi ko pinapansin.. bakit? bakit ko sisisihin ang bagay na bumuo sa pagkatao ko.. bumuo sa totoong ako.. bumuo sa mga laman ng isip ko.. bumuo sa paniniwala.. at bumuo ng blog na to..

siguro ang latest na regret sa buhay ko ang di pagtapos sa drawing ko.. pano ba naman di ko naman alam yung offset shivel plate na yun.. hay..

3 comments:

Anonymous said...

why didn't "gerard" post his comment himself?

jeypz05 said...

whoa..

di ko alam.. ang sasabihin.. i don't understand what's going on..

Unknown said...

oi. ayan nagcomment na ako.
senti ka na naman. hahaha

http://www.i-am-gab.blogspot.com