Saturday, August 25, 2007

a great taste of a great life

haha... parang kape?! wala akong panibagong istoryang pagpipiyestahan ng mga mambabasa. wala namang nakakatuwang nangyayari ngayon pati nakakalungkot. masaya ang buhay. definitely, no one would take my happiness. huwaaaaaat?! nag-ingles ka na naman. haha.

comparison? haha. oo. comparison!!! madalas kong maihambing ang mga nababasa ko at napapanuod ang mga nangyayari sa buhay ko, ng iba, naming magkakaibigan, magkakaklase at ng iba pa. masaya ang ganon. kasi parang alam mo ang mangyayari pag ganun ang ginawa mo. masaya! pero kadalasan, ang masaya nagiging malungkot. ang happy ending madalas nagiging crying. ewan. siguro nga. kaya nga napag-isip-isip ko minsan na hindi tamang ikumpara ang buhay mo sa napapanuod kasi iba ang takbo ng buhay sa buhay sa kamera.

kanina, parang nakita ko na naman ang sarili ko sa isang karakter sa isang palabas sa telebisyon. parang ako nga. yung kilos, paraan ng pagsasalita at sitwasyon. mahirap. akala ko lokohan lang. akala ko. nang patagal ng patagal. ewan. nananatili ako sa paninindigan kong iba ang napapanuod sa tv sa totoong buhay. mananatili ako don. pero patutunayan kong mas magiging maganda to.

tapusin ko na to at simulan ang bagong aabangan ng iba. hehe

No comments: