Saturday, August 25, 2007

3rd placer tula

Pag-agos
ni Aenew


Sa ihip ng hangin, mundo ko’y tangayin
Huni ng ibong nais kong sariwain
Mga alaalang kay hirap limutin
Ibig kong lumipad kung mararapatin


Sa agos ng tubig, walang pipigil
Lambak ng aking diwa’y iyong anurin
Pusong nagliliyab iyo nang masupil
At isang nauuhaw iyong busugin


Sa init ng apoy, dangal’y talimain
Matigas na pusong kayang palambutin
Luha ko sa matang iyo nang lipulin
Taglay na sugat lubos mong paghilumin


Sa lupang itong hindi pa natitibag
Aking mundong nais bigyang buhay, liyag
Mga paa ko’y hayaang nasa lapag
Huwag, kaluluwa ko ay mababasag


Sa agos ng buhay, nais kong bumitaw
Luhang bumabalong, dugong dumadaloy
Puso ko’y titigil, di na makagalaw
Ngunit kahit gayo’y, laba’y itutuloy

No comments: