Tuesday, August 28, 2007

apologies and dreams

i would like to take this opportunity to say my apology to persons who misunderstand all things.. mess up..

finished with my apologies..

dreams na..

teka, kanina recognition day ng ewan ko ba.. basta.. fourth year ata.. pero parang gumana na naman ang utak ko.. parang makina.. mga kaisipang nakaktuwa..

una, in the near future, five years or less, kami na yun andun.. masaya.. at malungkot dahil sa mundong kakaharapin.. tapos na sa pamantayan ng mundo - ang grade...
ikalawa, ano kaya kung pag mga magulang na kami e baliktad na.. kung saan balik conservative ang mga bata.. pati technology e bago.. para kang diyos pag sinabi mo ang cell phone etc..
ikatlo, kami na yung mga nagaayos ng graduation..

lumabas din ang paghahangad na bumalik sa high school..

pero ang namutawi sa akin labi.. na nakapukaw ng buo kong mundo.. gusto kong maging professor.. ang galing.. parang dati, di ako ganon natututuwa sa mga guro.. iba ang image nila sakin.. di man ako yung napapagalitan.. e damay na din ako..

segway, kanina sa trigo, nakz naman.. sermon galore.. parang libre ang sermon na sinalo ng bawat tenga.. ako ngisi lang ang sagot ko kay Mr. Pilones.. wala kasi akong masabi.. wala.. di pa naman ako dapat tamaan.. medyo nakakasabay pa naman ako.. mabait pa ang kapalaran.. naungkat pa yung panahon ni kopong kopong.. haha.. pero kawawa yung blockmates ko.. kasi hindi naman yung sarili nila ang dapat ikondisyon.. (sabi kasi ni sir, dapat tanggapin mo na ang pagretake mo sa trigo..) syempre kasama ang budget.. ang mga magulang na sobrag nag-eexpect.. at ang pre-enrollment sched.. tsk.. kawawang B10..

di ko sinasabing bigyan ng false hope.. pero sayang yung effort.. why not give them the last 3 weeks para magbago.. ipakita na papasa sila.. hay.. balik sa dream ko..

sana matupad yung pangarap ko.. sana mabago ko ang pananaw ng estudyante sa mga guro.. di sadista.. di terror.. pero di binabastos.. gusto kong baguhin ang isipan.. gusto kong maging nakakaligalig ang schooling..

teka, deal or no deal na.. tama na tong post na to..

2 comments:

Anonymous said...

Your right, recognition day iyon ng mga gagraduate sa thursday sa PICC. Then ilang weeks or months naman makikita mo naman ang mga pangalan nila sa dyaryo dahil sa board.

Sa inyo ba, five years na naman ang engineering? Sa amin kasi four years lang ang engineering eh. Anyways, Good Luck and GOD Bless sa studies at sa future career mo.

jeypz05 said...

This! Grabe. From the 2012 version of me, natupad mo na yung gusto mong maging prof. Goosebumps.