kanina, napanuod ko yung godzilla. ang ganda. thrilling. pero sa likod ng mga sigawan, siraan ng building, barilan, habulan, bombahan, gulatan, at lahat.., may napansin na naman ako..
inuulit ko, i am not pro nor anti-wendy.. maybe, i'm just one of the few na umuunawa kay wendy... (siguro mapapaisip ka kung bakit napunta don no... di ko sasabihin kung bakit, ikaw ang magisip..)
eto yung naisip ko about godzilla or gojira in japanese... ano ang kasalanan niya? kasalanan bang maging higante? gojira only needs food. gojira didn't mean to hurt anyone. at first, gojira (hindi ko masabi na he or she.. kasi pwedeng lalaki pero, pwede ding babae kasi ipinanganak siya asexually..) didn't kill anyone intentionally.. kasalanan bang maging malaki??
una, di siya mananakit kung di siya sasaktan.. give and take..ikalawa, kung di dahil sa kapangasahan ng tao, hindi siya mabubuhay.. respect..ikatlo, kung hindi sa pagiging usisero ng tao, ayun.. curiousity killed the cat (or gojira??)..ikapat, kung walang uunawa, walang katahimikan..
di ko to plinano kasi habang pinapanuod ko yung movie, naawa ako kay gojira. kung hindi nila binaril yung reptile, hindi yung magkacounter attack.. at nung nag-eye to eye yung "the worm guy" saka si gojira, halatang hindi siya mananakit..
naisip mo na ba???
(pero hindi dapat icompare yun haha)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment