base sa nabasa mong titulo ng post kong ito. oo, mahina ako! sa lahat ng bagay. lahat! di ko kailangang isa-isahin para maniwala ka. napakahina ko. hindi ko nga alam kung bakit ako nakakatayo sa bawat pagkakataon nadarapa ako sa mga pangyayari. nadadapa ako? oo, lahat tayo nadadapa. kahit sabihin mong matatag ka, madadapa at madadapa ka pa rin. kahit sino ka pa.
hina. napakahina ko. pero ano ba ang ibig sabihin ng hina sa akin? ang mahina ay yung taong walang lakas. sa medical, yung parang lantang gulay. yung mahina ay yung di kayang harapin ang pagsubok sa araw-araw. mahina! walang lakas.
di lang sa pangkatawan ako mahina. sa lahat ng bagay mahina ako. kahit paulit ulit ang mga pinagsasabi. kahit isa lang ang "sense" ng mga pinagsasabi ko. ibig sabihin, gusto kong malaman mong mahina ako. hindi sa sinasabi ko na kailangan ko ng taong makakapitan sa panahong malapit na akong mahulog, masasandalan sa panahong di ko kayang tumayo, at masasabihan ng mga bagay na di ko kayang sarilinin. hindi! oo, medyo sarkastiko ang dating non. pero totoo yun. kung darating salamat. kung hindi e di maghintay.
hindi lang ang pagsasabi na mahina ako ang dahilan ng post na ito. hindi. "There's a lot and bigger reason why i posted this" THERE IS!!! hindi sa lahat ng pagkakataon mahina ako. hindi. kaya ako nakakatayo kahit di na kaya ng mga paa ko, kaya ako nakakahinga pa, kaya ako nakakapagpatuloy sa pagsalunga sa agos ng buhay ay dahil BINIBIGYAN AKO NG LAKAS NG MAYKAPAL. minsan nakikita mong malakas ako, matapang, matalino, at parang walang pasang mabigat sa likuran ay dahil sa biyaya Niya. di ko ikinakaila ang lahat ng ito. isa lamang akong basura at patay kapag wala Siya pero nagkakaroon ako ng buhay at saysay pag andyan Siya. Salamat Panginoon.
dahil sa biyaya Niya, nagkaroon ako ng kaunting kaalaman. oo, kahit paano, mayroon naman akong utak. pero nagtanong ako sa sarili ko, regalo pa ba yun o isa ng sumpa? medyo naimpluwensiyahan na rin ng palabas sa telebisyon, yung Pedro Penduko. sa tingin mo, regalo ba ang mayroong katalihunang taglay? hindi ako nagmamalaki na mayroon akong talinong kaunti. pero inihahain ko itong paksang ito para sa mga nakakaranas ng ganito.
minsan, sa isang review session para sa UPCAT sa SCRC noon, may isang proctor ang nagsabing "Bible is just an another good book." medyo gusto kong tumayo at sabihin na kung hindi ka naniniwala sa Kanya, pwede ba wag ka namang mandamay.
ganun ba ang dala ng talino? oo. yun ang sagot ko. naranasan ko na to lalo na pag nagdarasal ako. minsan biglang may pumapasok sa isip ko na kung meron ba talagang Diyos at totoo ba Siya? nagtataka ako. pero kaagad kong kinukumbinsi ang sarili ko na isa lamang iyang pin para mawala ako sa sariling paniniwala. oo, nawawala din ako. hindi ako isang perpekto na tumutungo sa diretsong linya.
minsan din naiisip ko mabuti pa yung mga taong hindi ganun academically inclined kasi they accept the truth without asking why.
iniiwan ko ang tanong na iyan sa iyo. sa inyo at sa lahat. ikaw ang bahalang sumagot diyan sa sarili mong paraan. buhay mo yan. ikaw ang siyang masusunod. maaaring gamitin lang akong instrumento para magising ka. ikaw ang bahala kung maniniwala ka. sa huli, ikaw ang tatayo para sa sarili mo. itaguyod ang gusto mong mangyari.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment