bakit kaya may panahon o oras na wala akong maisip? bakit kaya? dahil kaya wala akong konsentrasyon? dahil wala talaga akong isip? ewan ko ang sagot. ewan ko ba kung ano ang inspirasyon ko sa pagsulat - di lang sa kanta pati na rin sa komposisyon ko. ewan ko ba kung ano ang dahilan sa mga pinopost kong ito sa blog. ewan ko kung ano ang rason sa mga pinaggagawa ko sa buhay. maraming bagay ang mahirap intindihin.
a lot of times, i tend to be intelligent but sometimes, i turn out to be not. pero ang state of intelligence hindi naman nakakabago at nakakababa ng pagkatao. *breaking news daw sa pbb, si nel sinugod sa hosp... hmmm... fishy ha..* back to the topic. certainly, hindi sa lahat ng pagkakataon, isip ang dapat pinapagana. dapat minsan pati puso at kaluluwa. hindi importante ang isip. oo minsan dahil kailangan sa eskwelahan at pagpapasikat sa boss, pero sa totoong buhay, mas importante ang kabaitan ng puso. kung paano ka humarap as iba't ibang tao.
hindi naman ito ang gusto kong sabihin. wala akong maisip. di tulad ng nakakaraang posts ko na puno ng obserbasyon at laman. madalas naiuugnay ko yun sa totoong buhay. pero ngayong nakaraan. wala. ito naman ay isa sa katotohan na dapat tanggapin - di lang ako pati ikaw. maging ang isang manunulat, may panahon, na wala siyang maisulat. ang pintor, walang maipinta, mang-aawit, walang boses. bilang manunulat at kompositor, ngayon kinakaharap ko yan. nabablangko. mahirap. pero darating ang oras at araw na makakagawa ako ng obra.
ayoko ng ganon!!! sobra!!! lalo na kung in-demand na. *deal or no deal na. saya* ayokong ayoko. pero kung ganon man, hindi ba't nakakauha tayo ng lakas para gawan ang napagdaanan natin. tulad ngayon, nong una iniisip kong maikli lang to, pero sa kalaunan e, humahaba na. ganon din siguro. pag madilim, gabi na yon.. at sigurado bukas maliwanag na at umaga!
tapusin ko na tong post na to kasi may naiisip akong bago... may laman... at may puso... hindi ko lang sigurado kung mabubuo ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment