last monday, nagpower trip ako... pumunta ako ng mapua kahit hindi dapat nagpago kahit hindi dapat magpagod.. umakyat ng building kahit hindi dapat.. tapos dapat uuwi na ako para matapos na ang trip.. kaso wala yung sasakyan.. aruy!! parang may nagsabi, power trip ka naman.. napagisip isip ko, may pera naman ako.. bakit hindi ako magcommute na lang.. marunong naman ako.. kahit na ayaw kong nagcocommute kasi hindi ako sanay at hindi ako tiwala.. pero ano ang ginawa ko? ayun!! naglakad palabas ng campus.. nag-aalinlangan kung kakanan o kakaliwa.. kasi pag kanan talagang magcocommute ako.. pag kaliwa mangangapit bahay ako sa lyceum at mangangamusta at gagawi sa computeran at maglalaro hanggang mag alas kwatro.. hmmm.. kaso bago pa man ako makapag-isip ng maayos inunahan na ako ng nagmamadali kong paa.. ayun.. kumanan.. wala na akong magagawa.. laban na kung laban.. walang atrasan.. harapin na kung ano ang kakaharapin.. naglakad ako papuntang McDo, nandon kasi nagpapark ang sasakyan kasi wala pa naman sticker yung kotse.. badtrip.. wala talaga.. lakad na lang.. ayan!! nakalabas na ako ng intramuros.. tinutumbok ko na ang main road.. tapos pumunta sa under pass.. nakalabas at dumiretso sa city hall.. punta sa gilid at naghihintay ng jeep, bus, fx, taxi kahit tricycle o pedicab papuntang quezon ave habang naglalakad... kaso hindi ko na napansin kung meron nga kasi nakita ko ang SM Manila at don na ako naglagi... tumambay... nagsaya... at nagsayang ng pera..ayan!!alas kwatro na!! punta sa city hall.. underpass.. balik sa intramuros tapos McDo.. ayun.. yung sasakyan.. pero akala ko hindi na mauulit nag powertrip na ito.. ngayon nasa netopia ako.. SM North Edsa pwede ding West.. nagcommute ulit ako papunta dito.. wala kasi yung sasakyan.. naghintay ako ng isang oras.. pero di ko natiis nagtaxi ako.. pero nakakatuwa yung mama.. cool!!! parang ka-age ko nga lang o mas bata pa.. nong pinatugtog yung "when she cries" astig!!! anlakas ng sounds.. pero may nadiskubre rin akong shortcut papuntang SM ng walang traffic.. tnx!! medyo cool talaga.. hinihintay ko nga lang na sabihin na yari ka!! hehe.. malapit ko na namang bagtasin ang malubak na daan..
in realtion sa buhay, minsan kelangan magpower trip para matuto, madapa, bumangon, matuto, masaktan, gumaling, matuto.. di lang sa eskwelahan ang matuto.. kahit saan.. at di lahat ng matalino sa klase matalino sa totoong buhay, yung iba e parang statue na pag iniwan mo sa tabi e hindi na aalis kasi hindi alam kung paano kasi walang diskarte.. hindi ko pinapatamaan ang sarili ko.. dati ganon ako pero ngayon hindi na.. matututo ako.. lalaban.. gagalaw.. depende sa sitwasyon at sa takbo ng buhay...
maraming naging impluwensya sa mga bagong paniniwala ko at pananaw sa buhay.. pero nagpapasalamat ako sa lahat hindi lang dahil may naitulong kayo sa akin kundi dahil naging parte kayo ng buhay ko at sa pagbuo ko sa sarili ko.. kahit hindi pa talaga buo.. hindi lang naman magagandang bagay lang ang pinagpapasalamat sa Diyos e.. dapat lahat pati ang mga pagsubok kasi kung hindi dahil don, maaaring iba rin ang takbo ng buhay natin ngayon.. di tulad ngayon..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment