anong kaguluhan ang title ng post na 'to? naman!!! bakit naman kasi panis pa ang sumagi sa isipan ko eh. pwede naman katol? haha. eto ang dahilan, kasi hapon yun, e gusto kong kainin yung sopas. nong, inamoy ko, huwaaaaaat? parang ambaho ah. iba!!!
wala na naman akong maisip na mapupulot na aral dito. wala. siguro ang paglalagay sa ref ng pagkain pag malamig na ito para hindi mapanis. ewan ko ba kung bakit? siguro kasi madaming tao ang nagugutom at hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw. kaya masuwerte tayo na nakakain tayo tatlong beses at nakakainternet pa.
ang araw ko ngayon ay walang kwenta dahil wala akong nagawang maganda na nakatulong sa kapwa at nakapagpalago ng ekonomiya. pero nakakalugod na rin na isiping nakakahinga pa ako at nabubuhay sa mundong ibabaw. nakakatawa pa rin tulad ng isang taong may maliit lang ang pinoproblema.
ang pagngiti ang maganda para sa lahat kasi hindi lang ikaw ang sasaya pati na rin ang mga nasa paligid mo.
ngiti lang. at may napapanis na pagkain, wag nang kainin. haha. anggulo kong kausap.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment