matagal na nating naririnig at na-eencounter ang words na ito.. ang "the one"... parang yung yun na!!! commonly used as Ms. or Mr. Right... inspired by songs with "the one" sa title.. pero dito... iba ang pagkakagamit ko...
bago ako talagang dumiretso sa topic ko, magkukuwento muna ako... eto ang mga obserbasyon ko kanina habang nakaupo ako sa leftmost corner ng room W416... pagpasok ko sa school premises... hanep pwede mong makita yung mga details via id.. pero di ko ginawa... freshman pa lang naman ako at wala pa akong makikita don... naglakad... tingin sa paligid... wow, parang ambaet ng mga istudyante... (parang lang kasi mayroon na paglabas ng gate, e hithit na ng sigarilyo at buga ng usok.. pero hindi naman nakakabawas ng pagkatao iyon... sa pamantasan ng lipunan ngayon parang hindi na masama pag naninigarilyo ka... kaso pag ikaw na ang hindi para ka naman "out" o iba sa normal parang abnormal o hindi ka "in"...) tawag ng kalikasan... at tawag ng banyo... dumiretso ako sa south building at sa isip ko nabubuo na ang plano ko ang papunta sa room... ayos... nabuo na!!! pagkagaling sa CR punta na 4th floor ng South building punta sa southwest at ayun... west na!!! nabuo ko ito bago makarating sa 2nd floor... lumiko sa kanan at natanaw ko na ang banyo... kaso bago pa man ako makapsok nakita ko na oras na para linisin ang nasabin lugar kung kaya't naisip kong umakyat sa 3rd floor.. ayun!!! magaling!!! sa susunod na 30 minutes pa yun lilinisin... magaling!!! may sistema... at lumabas na ako... hindi nasunod ang plano sa isip ko... pero nakarating naman sa room ng maayos sa pamamagitan ng 3rd floor -> SW -> W -> 4th floor... presto!!! may napansin ako... nadaanan ko ang guard don tapos may nakita pa ako don sa kabila... ibig sabihin apat ang guards sa isang floor sa isang building!!! astig!!! pumasok na ako... medyo nahirapan akong buksan ang pintuan... nakalimutan kong ganoon pala ang pagbukas non... pagbukas e sumambulat sa akin ang mga kaklase ko... kaunti lang sila... at doon ako pumwesto sa pinakamalapit na pwede kong upuan... mababait naman sila (pano ko nasabi??? walang gaanong ingay bukod sa bulungan sa likod ng dalawang magkaibigan at ng tugtog ng cell phone ko...) unti-unti nang dumadagsa ang mga kaklase ko parang may promo sa room... nag-bell 5 minutes bago mag-time... at nang nakita ko ang mukha ang aming propesor sa may pintuan, agad kong pinatay ang tugtog ng aking cell phone... tapos, tinawag niya ang guard at pinabuksan ang "cabinet" doon sa gilid... naglalaman ng OHP... (sa lahat ng room ay may OHP... tagyaman!!!) nagsimula na siyang magturo... at sabi niya may sakit daw siya kaya lang daw siyang pumasok kasi nahihiya siya sa amin... at ewan ko ba kung ano ang sakit niya kung sipon o nakululon ng mic kasi ang lakas niyang bumahing.... ayun... di naman namin pinansin at kinutya kung ganon ang kalagayan niya... at may bago akong natutunan ang paggamit ng synthetic division sa parehas na polynomial... kasi yung alam ko e binomial lang yung divisor e... kasi naman BULPRISA at EDDIS IV Press Con nong panahong tinuturo yon... di ko na natutunan... lagi kasing excused... at sa kalagitnaan ng discussion may kumatok sa pintuan... at inentertain naman ng prof... aba... maganda 'to... open dito ang student-prof friendship... at ilang saglit e pinapasok na siya... nang tapos na kaming turuan at oras na para sa "assessment" namin, sila naman ang nagturuan... angsaya... at ilang minuto lang, may pumasok ulit.. at hanggang sa natapos na kami... uwian na!!!
eto ang mga obserbasyon ko:
(kahit nasabi na sa itaas uulitin ko parin)
*tagyaman ang MAPUA sa OHP(projector) kasi bawat room e mayroon...
*tagyaman din ang MAPUA sa ilaw, sa isang room, anim na flourescent lamp ang meron...
*meron ding 2 ceiling fan at 2 air conditionder...
*meron ding 44 na upuan...
*merong apat na guard sa isang floor sa isang building...
*malinis ang CR at well-maintained kasi may oras ng paglilinis...
*importante ang oras kasi 5 minutes bago mag-time, e nagbebell...
*mabait ang mga tao don... mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa...
*magaling din naman magturo...
*malimit gumamit ng bond paper kesa yellow...
siguro, hindi ito ang pinakamagandang school sa buong kapuluan...maaring magaling ito sa engineering pero hindi ba't maganda kung ikaw ang magpakilala sa school mo kesa ikaw ang makilala dahil sa school mo... hindi ko sinasalunga ang mga nag-aaral sa pamosong pamantasan at unibersidad... hindi ko gustong matapakan ang mga paniniwala ko dati at ang sa iba ngayon... ang gusto ko lang ay maging "the one" para sa school ko at ang school ko para sa akin... alam ko namang hindi ako ilalagay ng nasa itaas sa kinalalagyan ko ngayon kung wala siyang magandang plano... at malay natin at kunin ko ang masteral ko sa isang kilalang unibersidad... malay lang naman natin diba...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment