now, i must say goodbye to string 0 of my guitar...
napigtas kasi eh... nakakalungkot...
kung kelan ko gustong tumipa saka napatid...
minsan talaga, lalo na sa di inaasahang pagkakataon... doon, nangyayari yung mga kinaayawan natin, yung mga iniiwasan... pero, mapaglaro talaga ang tadhana... minsan ganun, minsan hindi.... mahirap mag "let go" lalo na kung talagang mahirap... hindi mo masabi kung bakit at paano... minsan lalong nakakalala sa pangyayari kung pinipilit at inuudyokan.. mas mabuti siguro kung kusa o walang pilitan... hindi sa sinasabi kong mali minsan ang mga ginawa at desisyon ko... pero mas maganda kung ang oras ang nagsasabi at hindi ang sarili...
masaya ang mabuhay... mahirap ang magkamali, pero minsan mas mahirap ang itama ang mga mali... kasi kahit anong gawin mo, still that "that" remains...
hindi lang sa mga bagay at taong nawala ako nanghihinayang... marami pa.. mga pagkakataon at panahon... hindi ko lubos maisip na ganun... mahirap pero kakayanin...
to let go means not the end... yet, for me and other "hopefuls", iyon ang simula ng mas magandang plano ng Diyos sa mga bagay na pinakawalan, nawala, at naglaho para sa panibagong pakikipagsapalaran... no name-dropping... salamat...
bye bye string # 0... mamimiss kita... mamimiss ko kung mga tinutugtog natin together... pero may papalit naman sa'yo... pero di kita malilimutan... bye bye...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment