(isa sa pinakakinaiinisan kong parte ng pag-iinternet, e yung para sa akin ay napakaganda na ng post ko sa blog ko, e biglang mawawalan ng kuryente. katulad kanina.)
pag tinanong mo ako kung anong pinakagusto kong tambayan? ang sagot ko ay bahay. kasi sa bahay malaya ako kung ano ang gusto kong gawin. malaya akong matulog ng hanggang anong oras ko gusto. malaya akong mag-internet ng walang time limit. malaya akong hindi mag-aral. malaya ako. masaya.
may magara akong panaginip noong nakaraang araw. may isang taong nanggaling sa balkonahe namin at may dalang gamit mula sa bahay namin. sinundan ko siya hanggang makarating kami sa pinakababa. tinanong ko siya ng ano ang pangalan mo o kaya saan ka nakatira? tinanong ko yun na parang matanda na ako at ako ang may-ari ng bahay. sumagot siya na kung bakit ko tinatanong yun ang sabi ko naman ay para ma-idemanda kita. weird.
sa mga nakarating na sa bahay namin, at nagsabing maganda ito at malaki. ito ang masasabi ko. hindi ito ang dream house ko. ang dream house ko yun tila anim ang palapag. malaki ang salamin. mala-western ang istilo at desenyo. ang mga kagamitan ay 'classy'. bullet proof. fire proof. at hi-tech. voice generated ang entrance. totoo. man has no satisfaction. kahit maabot na niya ang tuktok ng bundok nais pa niyang maabot ang bituin. at pag naabot na niya gusto pa rin niyang abutin ang mas mataas, mas makinang, at mas magandang bituin.
totoo iyon, pero naiisip kong habang malaya pa ako sa bahay ko. habang nakakapahinga pa ako dito. habang nagagampanan pa nito ang tungkulin nito sa mga naninirahan rito. tahanan itong matatawag at hindi dapat inaabandona.
tapos ko nang sabihin ang gusto kong sabihin. be contented on what you have.
ikalawa, naguguluhan ako sa away sa loob ng bahay ni kuya. kung sino ang mas tama si wendy o sina g-ann at bea. parehas nagsasabi na sila ang nagpapakatotoo. parehas nagsasabi na stratehiya lang ng katunggali ang ginagawa. paerhas. di ko alam. pero sa bawat housemate may nakikita akong gawi ko. di makakaila.
wala akong gustong sabihin mula don. nais ko lang maisiwalat ang bugso ng damdamin.
i'm going home to the place where i belong. at di ako pupunta sa lugar na may mga taong itutulak ako paalis. lalo na kung tatawag tawagin ako para pumunta pero sa katapusan, iiwanan ka din.
ayokong iniiwan. ayoko. pero di ako takot. di ko kailangan maiwan sa isang tabi para makapag-isip. i need just to get back home.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment