naku... tumatanda na nga... madaming natututunan... nagkakamali... hindi perpekto...
ang importante, you have lesson(s) learned...
mahirap man o madali yun pinagdaanan... ang importante e yung experience na nagdudulot ng mga ikabubuti...
pero it's not like that... madami ding changes ang pinagdadaanan...
pisikal... madami... hindi ko inisip na magmamature na lahat... sa totoo lang nong nangangalap ako ng friends... tinutukan ko yung elem classmates and friends... nakakatuwa kasi, lahat naggrow.. nagmature... madami ang naging pagkakaiba... parang yung four years e anlaking panahon na ang nasayan ko para masubaybayan ang teleserye ng buhay nila... minsan gusto kong maging manunuod na lang pero siguro mas maganda kung makiki-epal ako sa direksyon... at least masasabi ko, i brought change sa teleserye nila...
ngayon, i'm starting na naman na maghanap ng susubaybayang teleserye... mahirap... hindi madali... lalo na bago at di ko alam kung saan magsisimula... bukas? malabo pa... kahapon? medyo malayo na... ngayon? dapat wag aksayahin... hindi mo maiisip ang mga bagay na ito kung wala kang nasayang na panahon... pero ayos na rin yon siguro... pangit din naman siguro kung ikaw na yung kumontrol sa manibela na dapat e sila... at mas lalong pangit kapag ipinakita mo na ang lahat... wala man lang silang hihilingin at hahanapin... mabuti na rin siguro yun...
as we grow older, we change... di lang sa pisikal... sa pag-uugali... pati na ang mga paniniwala sa buhay... kung dati... sarado ka sa gantong bagay ngayon bukas na bukas... maaaring ganon... maaaring hindi... walang makakapagsabi... ako? hindi ko alam... ikaw? pwede mong malaman... sila? malay nila...
as we grow older, may nawawala... may lumalabas... eto ang isang pagsubok... ang magsabi ng goodbye sa mga naging parte ng buhay mo ng walang luhang bumabalong sa mata... at mag-hello sa taong di mo kilala at kahit hindi ka pa handag humarap sa ibang tao...
nalampasan na ito ng iba... yung ate at kuya... at iba pa... bakit hindi ko kaya???
as we grow older... all we have to know is to trust... trust...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment