Saturday, August 25, 2007

di handa

di ako handa para sa post na to.. di pinagisipan.. di pinaghandaan.. currrently, inaayos pa lang ang mga ideas sa isipan.. winawalis ang mga kalat.. pero kahit ganun, maraming bagay ang binibigla pero di mo inaasahang nagiging maayos..


foreword: (nag-iisip pa kasi ng content e) ang iyong mababasa ay punong puno ng hindi ko alam na bagay.. halaw sa isipang di pa maayos kaya't ang lahat ay suspense.. depende sa takbo ng daliri.. ng keyboard.. at buhay..


bukas, PE at DRAWING.. ayoko.. nakakapagod kasi.. pull-ups.. etc.. masakit sa kamay at braso.. drawing.. gagamitin ang braso at kamay.. sa madaling salita di dapat pinagsusunud sunod yun.. sino may kasalanan? ang padalos dalos na isipan na gumawa ng schedule ko.. sino ang gumawa ng schedule ko? ako.. sino ang sisisihin? ang PE at DRAWING!!! walang sisihan..


ngayon ano ang mga ginawa ko? nagexplore sa net.. visit ng forums ko.. azoxyton at mc linkage.. friendster.. mapuaownage.. yahoo.. natulog.. nanuod.. kumain.. at nagsulat.. ano ba ang dapat kong gawin? lecture sa trigo, assignment sa alge, review for the mid sa hum, practice sa speech sa eng... and others.. nagawa ko? hindi!! umaasa na lang walang pasok bukas.. para makapaghanda.. at sa tingin ko ba magagawa ko yun? hindi!!!! conclusion? di makakatulong ang mga walang pasok para magawa ang mga gawain.. mas effective sa akin ang cramming..
cramming? yung ba yung grace under pressure??? pwede, pero sa kin?? hindi.. para may target ako at deadline..


mukhang tama na yan para maialis ko ang kalat sa mga isipan ko..
central idea: ang nalalapit na pagtatapos ng term..


delivery: 911 1111.. haha.. eto na naman ako.. bumabalik ang struggles.. ang paghahanap ng tunay na kaibigan.. lingid sa kaalaman ng nakakarami ang karanasan ko.. mahirap sabihin kasi para ko na ring sinara ang pahinang iyon..


matatapos na kasi ang term at dapat may kasama ako sa susunod.. pero hindi e.. mas gusto nila ng pang umaga.. at hindi ako pwede.. yung mga blockmates ko ngayon.. malapit ng schoolmates at batchmates na lang.. napakalungkot.. yung pinipilit kong intindihin unawain at kaibiganin ay mawawala sa isang iglap.. magsisimula na ulit ng bago.. ng bagong pagkakaibigan.. bagong pakikisama.. bagong bagoong.. mangga.. talong.. repolyo at carrots..


positive na iniisip ko.. marami akong kaibigan.. the more the merrier..


anong merry don? madami ka ngang friends pero it's just the name.. pwede ko ngang sabihing "strangers with a name".. etong thinking na to ay parang katulad sa boy&kris kanina.. yung depensa ng mga working moms na it's more on the quality not the quantity..


anghaba na nito pero di parin malinaw ang gusto kong sabihin.. para akong taong sumigaw at humingi ng tulong pero pag dating ng tutulong e kunwari di ako..


one word that best describes my emotion.. miss.... i miss everybody.. lahat ng dumaan sa buhay ko.. sa masama o mabuting paraan.. matagal o sandali lang.. espesyal o tambay.. lahat.. matanda o bata..


sa pagaakalang gagaan ang loob ko dahil dito.. nagkamali ako.. lalong bumigat.. ewan ko kung bakit siguro.. dapat ng tigilan.. at kumain na.. matulog.. maghanda para bukas.. kahit meron o walang pasok at least handa ako.. di tulad ngayon.. walang pinatunguhan ang post na to.. walang kwenta..

No comments: