Saturday, August 25, 2007

tnx hsmusical...

tama yung nabasa mo. di yun typo error. salamat sa high school musical. yung movie. napanuod ko na. kanina lang.

noong pinapanuod ko, flashbacks. oo, maraming bumalik sa alaala ko. yung high school days. yung high school friends. yung high school brothers and sisters. yung high school madness. yung high school happiness. yung high school memories. pero it's more than that. higit pa sa alaalang iniwan nila, e yung mga aral yung mas mahalaga.

at natural, kaya nga musical yun kasi may kantahan, sayawan at music. oo. at ang pinaka-di ko inaasahang bumalik e yung kagustuhan kong kumanta, sumayaw at gumawa ng musika.
madami na naman akong na-realize sa pelikulang iyon. ganun naman lagi. i see more than what it is supposed to be. parang weird nga e, nakikita ko yung "essence" ng bagay na wala namang essence.

ngayon, nakikinig ako sa Home - Chris Daughtry.

at nagbalik na ako sa mga sandata ko at kausap. notebook at lapis... hindi lang ako magsusulat ng istorya, tula o kung ano mang pakalat-kala lang sa utak kong aking aayusin kundi gagawa ako kasama ang bago nilang kasangga... at bago ko namang kausap.. ang gitara.. gagawa ako ng kanta.. ingles naman. para maiba..

may lyrics na ako...

understand mei'm not what you seethere's another personbehind me
yung kantang kahit di ma-appreciate ng iba.. ayos lang sakin. minsan gumagawa ako ng kanta di para sa iba kundi para sa sarili ko. yun yung mas importante para sa akin.

oo, minsan nakain ko na yung mga prinsipyo ko, pero importante yung kahit nalabag mo yung sarili mong patakaran, e sa susunod ay mapanindigan mo parin yun.

oo, ayokong ipublish dito yung mga gawa kong kwento. ayoko na!!! di yun makakatulong sa kin. takot akong mapirata. at manakaw ng iba yung gawa ko. anak ko na yun. galing sila sa kin at ayokong di ko sila makitang sumaya.

magulo na to. haluhalo na ang mga topics na pinagsama sama sa isang post. pero still, nakikita ko pa rin yung sense ng pagkakasunod-sunod at pagkasamasama nila.

di ako magaling na writer at kompositor. alam ko yun. tanggap ko. hindi naman ako nagsusulat para sa audience. (except sa contest..) ginagawa ko to para sa sarili ko at sa pinagaalayan ko.

No comments: