tinatanong ko lagi sa sarili ko bago ko gawin yung huling column ko sa bamboo dati kung talagang tinadhana akong mag-aral sa MC o ito isang malakaing pagkakataon lamang.
eto ang aking istorya:bago ko matagpuan ang MC madami pa akong eskuwelahan ang dinaanan. una, sa PhiSci. sa exam na yon, di ko talaga ginalingan. di ako umaasang makapasa. ayoko kasi don. kahit may mga benepisyo pag don ako. ikalawa, Ateneo, medyo di ko na ulit sineryoso yung Ateneo. di ko pa siguro dama yung pangangailang doon mag-aral. Ikatlo, QSci, na naman. di ko na naman sineryoso. walang pag-asang pumasa. ikaapat, St. Paul, sa exam na yun minani ko lang. walang paghihirap. ayun pumasa. sa cream section ako. pero catholic school. ayoko na rin. isang gabi bago ang exam sa MC, doon ko lang nalaman ang tungkol doon. sawimpalad, pumasa ako. sa SSC exam naman, ay may review. doon, nag-enroll ako kasi hindi naman ako handa. ilang araw na lang ang ay exam na at di ako handa. at nang exam na, natapos ko naman ito ng maayos. nong lumabas ang resulta, sa wakas pumasok naman ako.
may nakalimutan akong kuwento, sa kabila ng di sineryosong exam sa Ateneo, napunta ako sa waiting list. may kakilala kami doon, na pwedeng makatulong para doon ako mag-aral. kung pinursue ko yung pagiging Atenista ko baka hindi ako naging MCian.
eto naman ang damdamin:tingin ko, i have better opportunities if i have chosen Ateneo. tingin ko din, i will learn more if i chose Ateneo. mas magiging refined ako. mas magiging maganda ang bagay bagay sa kin. at iba ang pananaw ko sa buhay. pero, hindi ko ipagpapalit ang MCian ko sa pagiging Atenista.hindi! kung sa mga pinagsasabi kong naka-bold e, nangyayari sakin. i never met these people who made me and never break me totally. oo, nasaktan nila ako pero hindi matutumbasan non ang mga aral na itinuro nila sa akin, mga pinagsamahan namin, mga tawanan, iyakan, kulitan, at ang lahat ng bagay na naituro ng bawat isa. di lang kaklase ang turing nila sa akin at sa lahat. para na kaming magkakapatid. salu-salo sa pagkain. salu-salo sa halakhak at lungkot. salu-salo sa problema. salu-salo sa hirap at dusa.
oo, di ko talaga ipagpapalit ang pagiging MCian ko. oo, maraming kapintasan ang MC pero hindi talaga mapapantayan ang mga naranasan ko. hindi ko ipagpapalit yun kahit sa Harvard pa o kahit anong pinakamagandang eskuwelahan pa.
oo, destiny yun. tinadhana! masayang masaya ako at sa MC ako napadpad. doon ko nakilala ang mga taong may sayad pero marunong din umiyak. doon ko nalaman ang mga bagay na baon baon ko sa pagtahak sa bagong mundo. doon ako namulat sa bawat kamalian ko at kamalian ng iba. doon ako nabuhay sa bawat araw na walang dugong dumadaloy sa ugat ko. marami akong nakilala.
oo, marami. pero kayo lang ang tumatak ng ganito. i miss you Utol ko. binigyan nito ng katuparan ang pangarap kong magkaron ng kapatid. salamat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment