whew! this post must be late. yeah!i was supposed to do this maybe when i got home and that was as early as 6:30. but i had a hard time opening this site. i almost curse this site and the whole world wide web. actually, when i finally reopened this site. i knew there was a problem. once again, the same damn thing happened. my friends turned down to 175. before, 50 was lost. now, it's almost 100. i hate it! absolutely, i hate it! now, at this point, i began questioning myself why i am using this language for this post. and i know this post must be pleasant because my classmate will be going to read this. (uy, ngingiti siya.. haha)
napakaganda nga ng Ingles pero bakit hindi ko gamitin ang sariling atin. para mas marami ang makaintindi at makaalam. alam kong sa dinadami dami ng pinaggagawa ko sa buhay ko, marahil, nakatapakan at nakain ko na ang salitang ito. pero ang importante ang paminsan minsan ay napanindigan ko ito.
masaya ang buhay. hindi mo alam nagkakamali ka na at magugulat ka na lang malaki na ang problema at kailangan ng itama.
gusto ko munang ibahagi ang karanasan ko sa araw na ito. gaya ng mga pinagsasabi ko sa nakakaraang post ko dito. ginawa ko yung normal. ginawa ko lahat ayon sa gusto ko. minsan sumagi sa isip kong wag pumasok pero sa isang parte ng utak ko may nagsasabi pumasok ka.
normal, sa tabi ng pinto doon ako nakaupo. katabi ko yung kaisaisang kakilala ko sa klase. normal. kwentuhan tungkol sa eskwelahan na pinanggalingan at mga hilig at gusto. normal, mapuputol dahil pumasok na ang prof. pero hindi normal ang mga sumunod na pangyayari. nagkaron kami ng paksa na medyo minadali namin sapagkat dapat ay sa susunod pa namin iyon pag-aaralan.
dumating sa puntong antok na antok na ako. ayoko nang magtagal pa doon. mayroong halimbawa na para sa akin ay mali. hindi naman ako nabigo. mali nga iyon. hindi ako umiimik kasi ayokong gawin iyon. ayoko! mahirap para sa akin ang gawin iyon. alam kong mali siya pero nahihiya ako. hindi ko alam ang gagawin.
hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas ng loob para sabihin iyon. sa wakas, naisiwalat ko na rin ang damdamin pilit itinatago. nabigyan ako ng pagkakataong maisulat sa pisara ang solusyon sa nasabing problema. nalaman din ng aming prof ang kamalian niya. akala ko ayos na ang lahat. akala ko lang pala.
pagkatapos non, ay nagkaron pa ng pag-uusap. sinabi niya sa kaklase namin na magpasalamat kayo kasi ganun ganyan. naku, mukhang nakulong na naman ako sa imaheng pilit kong tinatakbuhan - ang matalino. hindi ako matalino. hinding hindi. at ang pinaka hindi ko makakalimutan ay ang sabihin niyang "I look forward na maging istudyante kita sa Algebra." huwaaaaaat!!! kanina ko napagtanto at napag-isipisip kung ano ba talaga yun. naguluhan din ako. pananakot ba yon o seryoso siya don. kung ano man yun, handa akong harapin ang bagyong kakaharapin ko.
mukhang maayos naman ang lahat kanina. mabait naman si sir deo. okay lang ata sa kanya yung ginawa ko. sana ganyan din ang mga politiko o mga humahawak sa remote control ng buhay sa Pilipinas. kapag nagkakamali sila, matuto silang makinig at dinggin ang mga maliliit na boses at tinig. at handang handang tugunan ang mga sigaw nila at tanggapin ang kamalian. itama.
hindi ganon kadali ang magtama sa mali.
sabi nga ni sir, it makes less to a person
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment