Friday, August 31, 2007
chocolates and ice
really time flies.. one snap, high school is finished. another, a term is finished.
like eating chocettes.. within 3 minutes or less, it's gone!!! it will be existing.. the luscious taste. the sweet smiles.. the crunch of every bite.. the taste will last forever..
like ice, it melts. melts as if heat is being tranferred. the coldness of ice. fighting the warmth. will be dissolved with the water..
my old and new chocs and ice, one wish. hope you will never be consumed easily and be melted.
i like sweet and cold..
they may not be consanguine but they made a very sense involving my frustration.
title
kahit isang meeting na lang kami. last na.. huli.. when it's too late.. it's very late..
haha.. wala lang.. wala naman akong maipost na matino e..
dapat kasi ipopost ko yung friendship between "two street children" at mga estudyante ng lyceum.. nakakatuwa.. parang ang saya saya nila.. parang hindi sila magkaiba ng estado ng buhay..
ano nga kaya ang magandang ipost?? wala naman kasi nangyaring kakaiba ngayon e.. bukod sa evaluation lang ang ginawa namin sa PE. wala nang iba.. orthographic drawing kami.. tapos nag projector.. medyo nagetz ko yung ginawa ko.. nafill up ko na yung sa academic advising stuff..
wala namang bago.. walang cute.. wala.. parang yung dati.. pero para sakin cute na yan e.. bago na yan.. at higit sa lahat hindi ganun kastressful ang bukas.. pwede akong gumala right after.. haha.. pang-ilang time ko pa lang itong gagala..
pero parang sana wag muna tumakbo ang oras.. huminto.. para makasama ko pa kahit sandali ang mga blockmates ko.. di man nila ako nagabayan. natulungan sa mga problema.. naging parte sila sa buhay ko. kahit 0.001% lang.. maliit pero at least meron..
kung may babasang B10 nito paki-abangan lang yung farewell post ko for you.. medyo cute din yun.. yun sana yung speech ko sa english kaso di ko mabibigyan ng diin.. haha..
wala na akong masabi..
Wednesday, August 29, 2007
paano
pero palabok lang yun.. wala naman talaga akong naiisip e.. wala.. pero kagaya ng dati.. gusto kong sabihin na ako'y nabubuhay.. humihinga.. at taong kelangan ng puwang..
balik ulit ako dito.. pero wala lang talaga..
ano ba ang bago sakin? sa mapua? sa mc? sa meycauayan? pilipinas? at earth?
mahirap din.. para ko na rin sinabi na bibilangin ko ang buhok ng sandamakmak na tao sa EDSA nong EDSA 1.. tsk,,
pero kaya na rin siguro ako nagpopost ngayon kasi may audience.. nakikinig.. nagbabasa.. anghirap.. parang may pressure.. parang pag hindi mo sila napasiya.. papatayin ka ng kanilang nanlilisik na mata.. pressure..
pero mas makakabuti sakin kung ipopost ko yung totoo.. totoo kong nararamdaman,, di lang para masatisfy ang kumakalam na utak,,
siguro may sense na tong post na to.. if and only.. haha..
teka, one thing.. bakit kaya kelangan mag-aral.. i've been opposing this since.. matagal na.. pero ang contradiction nag-aaral ako..
Tuesday, August 28, 2007
apologies and dreams
finished with my apologies..
dreams na..
teka, kanina recognition day ng ewan ko ba.. basta.. fourth year ata.. pero parang gumana na naman ang utak ko.. parang makina.. mga kaisipang nakaktuwa..
una, in the near future, five years or less, kami na yun andun.. masaya.. at malungkot dahil sa mundong kakaharapin.. tapos na sa pamantayan ng mundo - ang grade...
ikalawa, ano kaya kung pag mga magulang na kami e baliktad na.. kung saan balik conservative ang mga bata.. pati technology e bago.. para kang diyos pag sinabi mo ang cell phone etc..
ikatlo, kami na yung mga nagaayos ng graduation..
lumabas din ang paghahangad na bumalik sa high school..
pero ang namutawi sa akin labi.. na nakapukaw ng buo kong mundo.. gusto kong maging professor.. ang galing.. parang dati, di ako ganon natututuwa sa mga guro.. iba ang image nila sakin.. di man ako yung napapagalitan.. e damay na din ako..
segway, kanina sa trigo, nakz naman.. sermon galore.. parang libre ang sermon na sinalo ng bawat tenga.. ako ngisi lang ang sagot ko kay Mr. Pilones.. wala kasi akong masabi.. wala.. di pa naman ako dapat tamaan.. medyo nakakasabay pa naman ako.. mabait pa ang kapalaran.. naungkat pa yung panahon ni kopong kopong.. haha.. pero kawawa yung blockmates ko.. kasi hindi naman yung sarili nila ang dapat ikondisyon.. (sabi kasi ni sir, dapat tanggapin mo na ang pagretake mo sa trigo..) syempre kasama ang budget.. ang mga magulang na sobrag nag-eexpect.. at ang pre-enrollment sched.. tsk.. kawawang B10..
di ko sinasabing bigyan ng false hope.. pero sayang yung effort.. why not give them the last 3 weeks para magbago.. ipakita na papasa sila.. hay.. balik sa dream ko..
sana matupad yung pangarap ko.. sana mabago ko ang pananaw ng estudyante sa mga guro.. di sadista.. di terror.. pero di binabastos.. gusto kong baguhin ang isipan.. gusto kong maging nakakaligalig ang schooling..
teka, deal or no deal na.. tama na tong post na to..
Monday, August 27, 2007
hang
*hang*
parang ang post ko ngayon.. di ko alam.. di ko rin alam ang emosyon na dapat kong madama.. magagalit? matutuwa? malulungkot? ewan.. ah basta.. parang nabubuo na sa utak ko kung sino.. bakit.. paano.. para saan.. ano.. at lahat..
*hang*
*nag-iisip ng ipopost*
*nagbabasa ng texts*
patuloy ang pagtakbo ng utak.. palayo.. papunta.. palapit.. palayo..
*natutuwa sa pag-auto save ng post*
walang kwentang post na naman.. sinasalamin ang utak.. walang kwenta.. puro kalat.. walang hinaharap.. puro panggulo.. walang laman..
*hang*
ano kaya kung di ako pumasok bukas?
*nag-iisip ng mabuti*
*hang*
siguro apektado ang kinabukasan ko.. pwedeng dahil sa di ko pagpasok bukas.. mawala ang trabaho ko.. mawala ang mga oportunidad.. mawala ang mga kasangkapan sa bahay ko.. mawala ang pagkataong iningatn ko.. sa isang maling gawa baka makaapekto ng mundo..
*hang*
anong koneksyon.. siguro dapat tapusin ko na tong post na to.. di ko parin natatapos yung offset swivel plate at yung assignment sa english.. lecture sa trigo.. pagaadvance ko sa algeb.. pagbabasa ko sa humanities.. at iba pa..
*hang*
*turn-off na ang utak*
Sunday, August 26, 2007
life's full of regrets
ilang taon na ba ang nilalagi ko sa mundong ito? bakit parang andami kong gustong balikan.. sariwain at mga pinagsisisihan.. mga bagay na sanay ginawa at hindi ginawa.. mga pangyayaring sanang hindi naganap..
naku, kolehiyo na ako.. frosh.. first term.. pero nasa puso ko parin ang high school.. hinahanap hanap.. sa pagsariwa ko sa mga alaala, di ko napansin ang paggalaw ng mundo..
di ko napansin na iniiwanan na ako ng mundo.. ang pagtahak sa pag unlad.. tungo sa hinaharap.. hindi ko napansin patapos na ang term.. patapos na ang maliligayan araw ng B10.. B10 na dumamay sa kin kahit hindi nila sinasabi.. B10 na umapi, umalipusta, yumurak sa pagkatao ng isa't isa.. B10 na puno ng saya.. di ko napansin na napapako na ako sa mundong dapat ay lumipas na..
oo, high school nga ang "the best".. the best sa lahat.. kalokohan.. iyakan.. dramahan.. halakhakan.. kagaguhan.. kalaswaan.. katarantaduhan.. lahat.. isa sa mga di ko malilimutan.. pero madami din akong pinalampas sa high school.. di lang mga contest na di ko sinalihan.. mga tanong sa recitation na di ko sinagutan.. mga quiz na di ko pinagbutihan.. mga taong di ko pinangarap makakwentuhan.. madami pa..
sa sobrang dami baka abutin ako ng isang milenyo.. pero di naman siguro.. hindi rin ganun kadami ang atraso ko sa sarili ko.. ako ang nagpasya wala ng iba.. kinontra ko na ang nakaraang post ko na walang sisihan..
madami akong dapat pagsisihan.. madami.. pero hindi ko pinapansin.. bakit? bakit ko sisisihin ang bagay na bumuo sa pagkatao ko.. bumuo sa totoong ako.. bumuo sa mga laman ng isip ko.. bumuo sa paniniwala.. at bumuo ng blog na to..
siguro ang latest na regret sa buhay ko ang di pagtapos sa drawing ko.. pano ba naman di ko naman alam yung offset shivel plate na yun.. hay..
swell with me
the dark gray sky
covers my life
gives no warmth
brings no light
the dark gray sky
renders my song
no harmony shown
all the love is blown
the drak gray sky
now starts to try
express no ecstasy
just pure agony
the dark gray sky
has broken down
with me nowhere to hide
soon, our worlds will collide
when someone goes older
confused on what series of words should be shown.. showing of non-existence of dumbness controlling my cerebrum..
okay.. so much for the head-twisting descriptions..
here it goes.. i realize that when someone grows older.. his worries in life become more.. things are getting more complicated..
as i reach my college, there are things i really want to solve.. not just for myself but for others.. i consider everything that should be considered.. i find struggles in things that should not be struggled for..
teka, tama na nga yang english stuff na yan.. dumudugo na ilong ko e.. hehe..
parang natatandaan ko pa yung istorya ng matapang na lalaki na kahit mga multo o creepy creatures e hindi siya natatakot.. pero noong nagkaanak na siya, nagsimula siyang matakot.. citation: nong umakyat sa puno yung anak niya, halos di siya magkandaugaga para pababain ang anak niya..
isang proof na talagang dumami ang worries ng tao pag tumatanda..
nasabi ko na na dumadami ang worries ko.. tumatanda na ako.. oo, hindi naman ako yung dating jp na high school student.. pwede ko namang sabihin na i have grown a lot.. i have learned things.. i have known persons..
at dahil marami akong worries, maybe this is the best time or way to end this post.. kasi, magdradrawing pa ako.. dami dami..
missing high school
Saturday, August 25, 2007
lipat blog
bakit nga ba ako naglipat papunta dito? kasi sa ownage, may nag pm sakin at lubha akong nagalak.. masyadong nakakataas ng ego.. na may pumuri sayo.. kaya ito bilang pasasalamat.. itong blog extension na ito ay nagawa..
sana sa mga makakabasa nito, magenjoy kayo.. at feel free to comment.. any form of comment is highly appreciated..
madami na ang mga pagbabago.. nakagawa ako ng forums.. para sa section lang namin.. at para sa high school..
nakagawa din ako ng mga poem.. na-eenhance naman kahit papaano.. bumabagsak sa quizzes.. pumapasa din.. nakakasagot sa recitation at napupuri ng professor.. at ngayon.. sinisipon..
enjoy.. enjoy..
kung mga ma suggestions.. okay lang..
salamat.
di handa
di ako handa para sa post na to.. di pinagisipan.. di pinaghandaan.. currrently, inaayos pa lang ang mga ideas sa isipan.. winawalis ang mga kalat.. pero kahit ganun, maraming bagay ang binibigla pero di mo inaasahang nagiging maayos..
foreword: (nag-iisip pa kasi ng content e) ang iyong mababasa ay punong puno ng hindi ko alam na bagay.. halaw sa isipang di pa maayos kaya't ang lahat ay suspense.. depende sa takbo ng daliri.. ng keyboard.. at buhay..
bukas, PE at DRAWING.. ayoko.. nakakapagod kasi.. pull-ups.. etc.. masakit sa kamay at braso.. drawing.. gagamitin ang braso at kamay.. sa madaling salita di dapat pinagsusunud sunod yun.. sino may kasalanan? ang padalos dalos na isipan na gumawa ng schedule ko.. sino ang gumawa ng schedule ko? ako.. sino ang sisisihin? ang PE at DRAWING!!! walang sisihan..
ngayon ano ang mga ginawa ko? nagexplore sa net.. visit ng forums ko.. azoxyton at mc linkage.. friendster.. mapuaownage.. yahoo.. natulog.. nanuod.. kumain.. at nagsulat.. ano ba ang dapat kong gawin? lecture sa trigo, assignment sa alge, review for the mid sa hum, practice sa speech sa eng... and others.. nagawa ko? hindi!! umaasa na lang walang pasok bukas.. para makapaghanda.. at sa tingin ko ba magagawa ko yun? hindi!!!! conclusion? di makakatulong ang mga walang pasok para magawa ang mga gawain.. mas effective sa akin ang cramming..
cramming? yung ba yung grace under pressure??? pwede, pero sa kin?? hindi.. para may target ako at deadline..
mukhang tama na yan para maialis ko ang kalat sa mga isipan ko..
central idea: ang nalalapit na pagtatapos ng term..
delivery: 911 1111.. haha.. eto na naman ako.. bumabalik ang struggles.. ang paghahanap ng tunay na kaibigan.. lingid sa kaalaman ng nakakarami ang karanasan ko.. mahirap sabihin kasi para ko na ring sinara ang pahinang iyon..
matatapos na kasi ang term at dapat may kasama ako sa susunod.. pero hindi e.. mas gusto nila ng pang umaga.. at hindi ako pwede.. yung mga blockmates ko ngayon.. malapit ng schoolmates at batchmates na lang.. napakalungkot.. yung pinipilit kong intindihin unawain at kaibiganin ay mawawala sa isang iglap.. magsisimula na ulit ng bago.. ng bagong pagkakaibigan.. bagong pakikisama.. bagong bagoong.. mangga.. talong.. repolyo at carrots..
positive na iniisip ko.. marami akong kaibigan.. the more the merrier..
anong merry don? madami ka ngang friends pero it's just the name.. pwede ko ngang sabihing "strangers with a name".. etong thinking na to ay parang katulad sa boy&kris kanina.. yung depensa ng mga working moms na it's more on the quality not the quantity..
anghaba na nito pero di parin malinaw ang gusto kong sabihin.. para akong taong sumigaw at humingi ng tulong pero pag dating ng tutulong e kunwari di ako..
one word that best describes my emotion.. miss.... i miss everybody.. lahat ng dumaan sa buhay ko.. sa masama o mabuting paraan.. matagal o sandali lang.. espesyal o tambay.. lahat.. matanda o bata..
sa pagaakalang gagaan ang loob ko dahil dito.. nagkamali ako.. lalong bumigat.. ewan ko kung bakit siguro.. dapat ng tigilan.. at kumain na.. matulog.. maghanda para bukas.. kahit meron o walang pasok at least handa ako.. di tulad ngayon.. walang pinatunguhan ang post na to.. walang kwenta..
i survived TNB exam
kanina, kelangan kong aralin lahat..
whew, 12 hours ko yung tinake.. i was terrorized by the exam.. it gave me headache.. haha.. torture!! pero di parin nagbabago yung pananaw at yung mga sinulat ko dun..
aside sa mga hula ko at tinatamad na article, pasensya sa magchecheck.. kung di nyo ko kunin, okay lang.. may next year pa..
kung maantig naman kayo sa mga "kalokohan" ko na pinagsusulat ko don, salamat..
nakakatawa at nakakatuwa yung staffers.. sana next exam isa na ako sa mga manggugulo haha.. parang kulang pa kasi e.. dapat may concert saka stand up comedy..
nakakaantok yung tagal.. nakakapressure lalo na kung tatlo na lang kayo at halos alas siete y media na.. happy!! may mga distractions din na pc, laptop, psp at monopoly..
antok na ako.. sa mga TNB staff na babasa nito.. sorry, di ako magaling.. pakibasa na lang yung previous post ko.. lutang na ako..
pero nung lumabas ako nung NW403.. parang angsaya saya ko kasi.. i survived TNB exam.. tawa ako ng tawa kahit creepy yung stairs sa 2nd at 1st floor..
teka, medyo creepy din po pala sa MIT intra noh.. lalo na dun sa room namin sa drawing.. yung katapat ng TNB.. sa SW.. parang may silhouette ng lalaki... ewan ko.. kung dahil sa exam yun.. haha..
pero, buhay pa rin ang intra kahit gabi.. tsk.. funny thing..
en-ee-dobolyu
new week..
new song
new short story..
new...
nakakaantok.. comment ka sa iba kong post.. it's worth the comment..
history repeats itself
di ko naman lubos maisip na ganun din naman pala ang mangyayari.. mula simula, hanggang ngayon.. uulit din pala ako sa umpisa.. di eksaktong eksakto may konting pagbabago.. sa oras.. sa mga tao.. sa panahon.. sa pangyayari.. lahat except for one good reason.. good nga ba?? yung kwento..
naging paksa ko na to sa My Two-Week Best Friend Story ko.. pati dun sa mga succeeding articles na ginawa ko.. halata naman di ba.. friends.. friends ang problema.. di ko pa rin mahanap yung best buddies ko..
di naman siguro lingid sa isip ng iba dyan ang tungkol sa mnga pinagdaanan ko nun hs.. mahirap sabihin.. madaming masasagasaan.. pati ako.. parang naghanap.. nawala.. nasira.. nakahanap ng bago.. sumaya.. nawala.. nasira.. at paulit ulit hanggang matapos ang sinasabing "best part of one's life".
doon nagsimula ang kwento.. akala ko non, tapos na.. kasi nalampasan ko na yung mga yun.. pero isa lang iyong maling akala.. maling mali.. akala ko graduate na ako don.. di pala.. parang pag-aaral din pala yun.. may college pa..
di ko maaaring sabihin yung buong istorya dito.. halos apat na taon ko pa silang makakasama.. di ko sinasara ang lahat ng butas na pwede nilang pasukan.. pero sapat na siguro ang mga nasabi ko sa itaas para malaman nilang sila yun..
nangyari ulit.. iwanan.. pero sa di ko inaasahang pagkakataon.. pero nakakatawa parang nakikibagay sa haba ng oras.. isa o dalawang linggo.. nakakatawa..
di ko sinasabing uulitin ko yung mga pagkakamali ko noong nakaraan pero uulitin ko yung sa tingin kong tama..
ayos, tapos na.. masasave ko na.. baka magloko na kasi e..
back to zero
start na ko.. akala ko naman. nasolve ko na yung problems na yan kaso.. mukhang bumalik ulit ako.. back to zero.. i found myself but they don't find me..
walang pakielaman kung ano gusto kong sabihin.. wala.. blog ko to.. kung may violent reaction ka, magcomment ka.. wala kang pakialam kung sabihin kong kung anu ano..
hindi ko na mabigyan ng justice tong post na to.. wala na. i lost my control.. and everything i will type here is governed by my emotions.. naiinis ako.. pero walang dahilan,. dapat siguro, hindi na ganon..
yoko na, basta sana intindihin iyo yung bagay bago kayo maksira ng buhay... hate you fakers.. die!! bloodsuckers!!! kill!!
masama na ko.. lalayo na ko.. bahala kayo.. you can't see me that way again..
lesson learned? don't trust ANYONE..
tagal na rin ah
maypasok ako bukas..may forum ako..at may yoghurt akong katabi..
tagal ko ng naghintay sa pasukan..tagal na rin since nakaapak ako sa mapua..
kabado ako.. wala akong kakilala e.. di ako sociable.. sabi nila.. saka, anghirap.. nakakatamad pa.. i have no reason pa..
ok, kelangan ko tong gawin para sa kin dahil iyon ang pamantayan ng mundong ginagalawan ko..
hirap..
pinagiisipan ko pa kung sasali ako sa talent show. haha
long time needs long life.. haha. ano daw?? basta.. it takes a lot.
salamin
yun na. i compared salamin sa isang bagay na kailangan makuha ng tao from another. and kailangang pangalagaan para mamaintain ang smooth-sailing relationship.
oo, trust nga.. di ko sinasabing i lost my trust to someone or the other way aroung. pero medyo ganun na. both ways.
marami na akong nagawang masama na naging reason para mawala yung trust nila sakin..
worse, it took for so long. i can't take it. but i know as time goes by, na-rerestore pero ako na rin from myself ang umiiwas na maibalik fully.
marami rin namang insensitive out there ang madalas nakaka-down pa sakin lalo.. di naman ako mapagmataas at exposed na sinasabing super galing ako at basta.. hindi ako ganon.. i'm always putting myself down.. pero, yung mga yun, pag kelangan ko ng upliftment sila pa yung nangungunang yuyurak sa pagkatao ko..
i can trust them anymore. di lang naman yon. kasi angbabaw naman non.
pero, kahit ganon.. natututunan ko ng magpatawad at kalimutan yung nangyari pero tandaan yung mga aral..
kaya sa mga bago ko pa lang na makikilala. don't ever break my trust na ibibigay. sa mga nabasag na, don't worry i'm still tryin..
sleep daw oh!!!!
gusto kong malaman ng mga taong nakasalamuha ko ang nilalaman at "katas" ng tekstong ito.
11:30
iyon ang oras ng tulog ko kagabi. alas siete gumising. kulang sa tulog. nanghihina. nakakatamad.
pero, noong minsan, noong nag-aaral ako sa eskuwelahan sa high school pa... kahit limang oras lang ako nakatulog, energetic pa rin ako. it's not time how long you spent sleeping but the quality of how your sleep goes.
yon na!!! tapos na... pero ito panghimagas sa pagkaing inihain ko ngayon...
One-third of your life is spent sleeping.
The quality and quantity of your sleep have a direct effect on your daytime performance.
Loud snoring may be a sign of sleep apnea syndrome, a medical problem that may be associated with high blood pressure and heart disease.
Shift workers may experience symptoms similar to jet lag.
Your sleep affects your mood and vice versa.
People who sleep well and who allow themselves adequate amounts of sleep each night should feel awake and alert all day.
It is possible for you to have a sleep disorder and not be aware of it.
kung naramdaman mong naintindihan mo 'to. hindi ko hinihinging sakin mangyari yon.. i don't need it today.. i'm contented with my life right now. maybe, there are other persons who really need it.. but if God will give me what i need, i'll not waste it and share it to othes.. hehe.. that's more important than selfish things...
hmmm
don't mess up with me, you don't know you're messing up with..
hihi.. di ako galit.. wala akong kaaway.. naisip ko lang yung linyang yun... kanino ko kayo sasabihin yun?? sana wala..
have a great evening..
maunawain???
inuulit ko, i am not pro nor anti-wendy.. maybe, i'm just one of the few na umuunawa kay wendy... (siguro mapapaisip ka kung bakit napunta don no... di ko sasabihin kung bakit, ikaw ang magisip..)
eto yung naisip ko about godzilla or gojira in japanese... ano ang kasalanan niya? kasalanan bang maging higante? gojira only needs food. gojira didn't mean to hurt anyone. at first, gojira (hindi ko masabi na he or she.. kasi pwedeng lalaki pero, pwede ding babae kasi ipinanganak siya asexually..) didn't kill anyone intentionally.. kasalanan bang maging malaki??
una, di siya mananakit kung di siya sasaktan.. give and take..ikalawa, kung di dahil sa kapangasahan ng tao, hindi siya mabubuhay.. respect..ikatlo, kung hindi sa pagiging usisero ng tao, ayun.. curiousity killed the cat (or gojira??)..ikapat, kung walang uunawa, walang katahimikan..
di ko to plinano kasi habang pinapanuod ko yung movie, naawa ako kay gojira. kung hindi nila binaril yung reptile, hindi yung magkacounter attack.. at nung nag-eye to eye yung "the worm guy" saka si gojira, halatang hindi siya mananakit..
naisip mo na ba???
(pero hindi dapat icompare yun haha)
i'm changing for the better -- hahaha
teka, naghahanap ka ba ng intro dito?? naman!!! pinahihirapan mo naman ako.. pero sige, intro na..
sabi nila there is nothing permanent except change.. (sorry kung iba yung alam mo ah.. di ko na kasi matandaan yun exact words e.. makakalimutin na e..) at yun din ang pinaniniwalaan ko.. kahit mga adik-adik nagbabago.. kahit simpleng tao.. lahat.. at yung mga constant sa math?? constant yan for now, pero pagdating ng mga taong "matatalino" pwede nilang baguhin yan..
sa body na.. wala kwenta intro e..
hehe, napansin din naman ng iba, di ko napansin.. nagbabago naman ako.. medyo bumabait. hihi.. medyo pa lang.. at mas nagiging close kay Lord at iniiwasan ko na yung mga makakasama sa akin..
tapos ang body. haha.. ang ikli.. pero yung naman talaga e..
additional facts sa kin..
i love mango..
i love cheese..
i love popcorn..
i love dogs..
i like to sing..
ayun.. lately, pinupursue ko talaga yun dream kong makakanta sa entablado.. ewan ko.. gusto ko talaga..
i like to make routines..
i like horror movies, suspense, thriller pero natatakot na akong panuorin sila..
i like drew barrymore movies..
pag kumanta talaga ako, with emotions hihi..
suportado ko si wendy ng pbb kasi hinarap niya yung odds. (saka eto secret lang, gusto ko madisappoint yung ibang tao pag siya nanalo.. she deserves it naman.. pero di ko siya binoto.. at di siya ang bet ko.. either bea or g-ann..)
i love ice creams..
natry ko ng manuod ng sine alone..
pinaglihi ako sa papaya.. kaya nga madali akong umiyak e..
i can act..
i buy ,sometimes, stuff toys for myself..
i named my guitar, kaitou..
i had a blue pillow.. wala lang.. masama??? haha.. special with it e, di ko nilalabhan yun at iniiyakan ko yun everytime na naiiyak ako.. haha
may cousin akong artista..
may mga pinsan akong maganda ang boses at magaling kumanta.. (sana nagmana ako sa kanila. hihi..)
di pa ako naglalayas.. ayoko umalis no.. mahihirapan lang ako don.. haha.. yun ang mentality ko..
i never tried cigarettes (except for once ata pero walang sindi.. kunwari meron i acted like my father hehe..)
nakainom na ko wine.. pero yung alcoholic na ano.. once.. yung sa bday ni domz.. pero may halo.. di naman nakakalasing.. pero di hinahanap hanap ng bituka ko..
may pamilya ako sa high school, bea-nay ko.. domz- kapatid.. kim-lola.. tapos.. nawala na e. haha.. (di ko alam tatay e..)
nakakalungkot:madalas akong ngumingiti pero deep inside i'm dying.. (awww. totoo talaga yun.. pero ngayon.. masaya na ako kahit ganto lang.. ewan.. siguro contented na ako sa ganito.. at i'm filled with joy He has given..)
feeling unimportant..
siya nga pala.. dalawa na wala kong ngipin.. aw...
i think na occupy na non yung mga spaces na dapat kong gugulin.
teka.. isip muna ulit ako baka may mapiga pa.
isip-isip.
ayun... wala na..
ang mga susunod mong mababasa ay opinyon ng hist at hindi ng network.
.. .. .. .. .. sa totoo?? ayoko ko pang sabihin kung ano ang gusto kong sabihin.. bakit?? diyahe?? medyo.. nakakahiya?? hindi!! bakit ako mahihiya?? wala silang paki.. ako ang direktor sa palabas na to.. at mga mambabasa?? audience..
ok.. eto na.. may sasabihin ako.. walang magagalit.. walang matutuwa.. para patas..
minsan nagmumunimuni ako. marami ako naiisip.. naaalala.. (lagi naman e).. o sige.. ayoko naman diretsuhin.. ayoko.. kasi pag ganun.. baka lalong humantong sa mas malalang sitwasyon na maaari pa namang masolusyonan.. ayoko.. kahit may pagkakataon.. bakit hindi.. sana maapektuhan naman yung mga concerned na tao sa mga salitang binibitawan ko sa sarili ko, "bakit ba nila ako hindi iniintindi? bakit nasabi yon e hindi naman ako....".. ayoko na..
haha, minsan (o madalas) nararamdaman ko na hindi ako importante.. oo nararamdaman ko yun.. palagay mo naman sakin bato para walang maramdaman ganun? teka dapat this post needs an ending.. baliw na ako.. hihi
till next time.. may mas importante na akong sasabihin
never productive
this day wala akong nagawang ikauunlad ng ekonomiya. i spent my days with my comp..
lesson: computers are not always for good..
tnx hsmusical...
noong pinapanuod ko, flashbacks. oo, maraming bumalik sa alaala ko. yung high school days. yung high school friends. yung high school brothers and sisters. yung high school madness. yung high school happiness. yung high school memories. pero it's more than that. higit pa sa alaalang iniwan nila, e yung mga aral yung mas mahalaga.
at natural, kaya nga musical yun kasi may kantahan, sayawan at music. oo. at ang pinaka-di ko inaasahang bumalik e yung kagustuhan kong kumanta, sumayaw at gumawa ng musika.
madami na naman akong na-realize sa pelikulang iyon. ganun naman lagi. i see more than what it is supposed to be. parang weird nga e, nakikita ko yung "essence" ng bagay na wala namang essence.
ngayon, nakikinig ako sa Home - Chris Daughtry.
at nagbalik na ako sa mga sandata ko at kausap. notebook at lapis... hindi lang ako magsusulat ng istorya, tula o kung ano mang pakalat-kala lang sa utak kong aking aayusin kundi gagawa ako kasama ang bago nilang kasangga... at bago ko namang kausap.. ang gitara.. gagawa ako ng kanta.. ingles naman. para maiba..
may lyrics na ako...
understand mei'm not what you seethere's another personbehind me
yung kantang kahit di ma-appreciate ng iba.. ayos lang sakin. minsan gumagawa ako ng kanta di para sa iba kundi para sa sarili ko. yun yung mas importante para sa akin.
oo, minsan nakain ko na yung mga prinsipyo ko, pero importante yung kahit nalabag mo yung sarili mong patakaran, e sa susunod ay mapanindigan mo parin yun.
oo, ayokong ipublish dito yung mga gawa kong kwento. ayoko na!!! di yun makakatulong sa kin. takot akong mapirata. at manakaw ng iba yung gawa ko. anak ko na yun. galing sila sa kin at ayokong di ko sila makitang sumaya.
magulo na to. haluhalo na ang mga topics na pinagsama sama sa isang post. pero still, nakikita ko pa rin yung sense ng pagkakasunod-sunod at pagkasamasama nila.
di ako magaling na writer at kompositor. alam ko yun. tanggap ko. hindi naman ako nagsusulat para sa audience. (except sa contest..) ginagawa ko to para sa sarili ko at sa pinagaalayan ko.
iba na
isa ito sa pinakamaikling post. talagang iba na ang mundo ngayon kesa sa dati. yun lang ang masasabi ko. di ko naman kailangang mag-site ng examples para maniwala kayo e.
sa next kong post, hopefully... susubukan kong sumabak sa paggawa ng istorya. kahit takot na takot ako dahil, ayokong mapirata.
salamat..
some space
right time
weird din kasi only on our last day don kami nag-effort na magkipagkilala sa iba. gladly may addition naman sa friends ko. hindi naman siguro ako mag-iisa sa college. alam ko naman hindi Niya ako pababayaan.
nong palabas na kami ng room, nagpower trip kami. may hinahabol kami na kaklase para makausap at ayun successful naman yun trip. nagkakakilala kami at ayun. eventually, may nakita pa kaming apat na kaklase na nasa likuran lang namin. yon, we're going at the same place. okay! ayun. pumunta kami sa destination namin. sa underpass nakasalubong namin yun dalawang lalaki. remembering na nagtanong sila kay sir deo, pano pumunta ng MoA. siguro, hinatid nila yung two girls. okay. diretso na lang kami.
sa sm manila, lakad lakad lang kami. tapos usap usap. share share ng talambuhay. ayun. napagod. tumayo sa malapit sa chicharunan. usap usap. at nakita kami nong two girls. si h**n* at anna. kaya ganon yung isa kasi hindi ko maintindihan e. ayun, umalis sila. sumunod kami. hintay. alis. hintay alis. ganun lang ganun.
nagdecide na rin kami sa samahan yun kasama namin para makausap. ayun, napadpad sa lorenzo ruiz. huwaw. new environment. new experience. pero hindi bago.
nakameet ng bagong tao.
ayun, pagpatak ng alas tres. umalis na ako. bumalik sa mapua at kinuha yung makakapal na libro.
pumuntang QC at umuwi.
right time. siguro mamimeet ko ang best buddies ko at the right time at hindi dapat mainip. kasi yung paghihintay ang nagbibigay ng mas importansya sa bagay na yun.
i'll enjoy the moment. do what it takes to be a better person. and do what it needs to fulfill my tasks.
your move
this one is senseful. i really know. this is the time i say what i really feel and want to say.
i have posted some in the bulletin to share my thoughts. some might trembling but i felt an immense pain and i want to put it out.
i have done some of my moves, and it is now your turn to change lives to better.
i'm weak
hina. napakahina ko. pero ano ba ang ibig sabihin ng hina sa akin? ang mahina ay yung taong walang lakas. sa medical, yung parang lantang gulay. yung mahina ay yung di kayang harapin ang pagsubok sa araw-araw. mahina! walang lakas.
di lang sa pangkatawan ako mahina. sa lahat ng bagay mahina ako. kahit paulit ulit ang mga pinagsasabi. kahit isa lang ang "sense" ng mga pinagsasabi ko. ibig sabihin, gusto kong malaman mong mahina ako. hindi sa sinasabi ko na kailangan ko ng taong makakapitan sa panahong malapit na akong mahulog, masasandalan sa panahong di ko kayang tumayo, at masasabihan ng mga bagay na di ko kayang sarilinin. hindi! oo, medyo sarkastiko ang dating non. pero totoo yun. kung darating salamat. kung hindi e di maghintay.
hindi lang ang pagsasabi na mahina ako ang dahilan ng post na ito. hindi. "There's a lot and bigger reason why i posted this" THERE IS!!! hindi sa lahat ng pagkakataon mahina ako. hindi. kaya ako nakakatayo kahit di na kaya ng mga paa ko, kaya ako nakakahinga pa, kaya ako nakakapagpatuloy sa pagsalunga sa agos ng buhay ay dahil BINIBIGYAN AKO NG LAKAS NG MAYKAPAL. minsan nakikita mong malakas ako, matapang, matalino, at parang walang pasang mabigat sa likuran ay dahil sa biyaya Niya. di ko ikinakaila ang lahat ng ito. isa lamang akong basura at patay kapag wala Siya pero nagkakaroon ako ng buhay at saysay pag andyan Siya. Salamat Panginoon.
dahil sa biyaya Niya, nagkaroon ako ng kaunting kaalaman. oo, kahit paano, mayroon naman akong utak. pero nagtanong ako sa sarili ko, regalo pa ba yun o isa ng sumpa? medyo naimpluwensiyahan na rin ng palabas sa telebisyon, yung Pedro Penduko. sa tingin mo, regalo ba ang mayroong katalihunang taglay? hindi ako nagmamalaki na mayroon akong talinong kaunti. pero inihahain ko itong paksang ito para sa mga nakakaranas ng ganito.
minsan, sa isang review session para sa UPCAT sa SCRC noon, may isang proctor ang nagsabing "Bible is just an another good book." medyo gusto kong tumayo at sabihin na kung hindi ka naniniwala sa Kanya, pwede ba wag ka namang mandamay.
ganun ba ang dala ng talino? oo. yun ang sagot ko. naranasan ko na to lalo na pag nagdarasal ako. minsan biglang may pumapasok sa isip ko na kung meron ba talagang Diyos at totoo ba Siya? nagtataka ako. pero kaagad kong kinukumbinsi ang sarili ko na isa lamang iyang pin para mawala ako sa sariling paniniwala. oo, nawawala din ako. hindi ako isang perpekto na tumutungo sa diretsong linya.
minsan din naiisip ko mabuti pa yung mga taong hindi ganun academically inclined kasi they accept the truth without asking why.
iniiwan ko ang tanong na iyan sa iyo. sa inyo at sa lahat. ikaw ang bahalang sumagot diyan sa sarili mong paraan. buhay mo yan. ikaw ang siyang masusunod. maaaring gamitin lang akong instrumento para magising ka. ikaw ang bahala kung maniniwala ka. sa huli, ikaw ang tatayo para sa sarili mo. itaguyod ang gusto mong mangyari.
a help
nong nakaraang biyernes, nakapanuod ako ng isang episode ng MMK. tungkol iyon sa isang liuetenant na nagkaroon ng kanser. pamilyar yon sa inyo. napanuod nyo na yon sa balita. ewan ko ba kung bakit at paano. pero naabot niya ang puso ko. kaya nagtext ako ng
MMK GIVE to 2331.
sana kayong magbabasa nito e magsend din para makatulong sa kanya. makakatulong pa siya sa iba. kahit isa lang marahil malaking tulong na iyon.
wala naman atang aral ito. hmmmmmmmmm. meron pala. sensya.
destiny or coincidence
eto ang aking istorya:bago ko matagpuan ang MC madami pa akong eskuwelahan ang dinaanan. una, sa PhiSci. sa exam na yon, di ko talaga ginalingan. di ako umaasang makapasa. ayoko kasi don. kahit may mga benepisyo pag don ako. ikalawa, Ateneo, medyo di ko na ulit sineryoso yung Ateneo. di ko pa siguro dama yung pangangailang doon mag-aral. Ikatlo, QSci, na naman. di ko na naman sineryoso. walang pag-asang pumasa. ikaapat, St. Paul, sa exam na yun minani ko lang. walang paghihirap. ayun pumasa. sa cream section ako. pero catholic school. ayoko na rin. isang gabi bago ang exam sa MC, doon ko lang nalaman ang tungkol doon. sawimpalad, pumasa ako. sa SSC exam naman, ay may review. doon, nag-enroll ako kasi hindi naman ako handa. ilang araw na lang ang ay exam na at di ako handa. at nang exam na, natapos ko naman ito ng maayos. nong lumabas ang resulta, sa wakas pumasok naman ako.
may nakalimutan akong kuwento, sa kabila ng di sineryosong exam sa Ateneo, napunta ako sa waiting list. may kakilala kami doon, na pwedeng makatulong para doon ako mag-aral. kung pinursue ko yung pagiging Atenista ko baka hindi ako naging MCian.
eto naman ang damdamin:tingin ko, i have better opportunities if i have chosen Ateneo. tingin ko din, i will learn more if i chose Ateneo. mas magiging refined ako. mas magiging maganda ang bagay bagay sa kin. at iba ang pananaw ko sa buhay. pero, hindi ko ipagpapalit ang MCian ko sa pagiging Atenista.hindi! kung sa mga pinagsasabi kong naka-bold e, nangyayari sakin. i never met these people who made me and never break me totally. oo, nasaktan nila ako pero hindi matutumbasan non ang mga aral na itinuro nila sa akin, mga pinagsamahan namin, mga tawanan, iyakan, kulitan, at ang lahat ng bagay na naituro ng bawat isa. di lang kaklase ang turing nila sa akin at sa lahat. para na kaming magkakapatid. salu-salo sa pagkain. salu-salo sa halakhak at lungkot. salu-salo sa problema. salu-salo sa hirap at dusa.
oo, di ko talaga ipagpapalit ang pagiging MCian ko. oo, maraming kapintasan ang MC pero hindi talaga mapapantayan ang mga naranasan ko. hindi ko ipagpapalit yun kahit sa Harvard pa o kahit anong pinakamagandang eskuwelahan pa.
oo, destiny yun. tinadhana! masayang masaya ako at sa MC ako napadpad. doon ko nakilala ang mga taong may sayad pero marunong din umiyak. doon ko nalaman ang mga bagay na baon baon ko sa pagtahak sa bagong mundo. doon ako namulat sa bawat kamalian ko at kamalian ng iba. doon ako nabuhay sa bawat araw na walang dugong dumadaloy sa ugat ko. marami akong nakilala.
oo, marami. pero kayo lang ang tumatak ng ganito. i miss you Utol ko. binigyan nito ng katuparan ang pangarap kong magkaron ng kapatid. salamat.
i'm home
pag tinanong mo ako kung anong pinakagusto kong tambayan? ang sagot ko ay bahay. kasi sa bahay malaya ako kung ano ang gusto kong gawin. malaya akong matulog ng hanggang anong oras ko gusto. malaya akong mag-internet ng walang time limit. malaya akong hindi mag-aral. malaya ako. masaya.
may magara akong panaginip noong nakaraang araw. may isang taong nanggaling sa balkonahe namin at may dalang gamit mula sa bahay namin. sinundan ko siya hanggang makarating kami sa pinakababa. tinanong ko siya ng ano ang pangalan mo o kaya saan ka nakatira? tinanong ko yun na parang matanda na ako at ako ang may-ari ng bahay. sumagot siya na kung bakit ko tinatanong yun ang sabi ko naman ay para ma-idemanda kita. weird.
sa mga nakarating na sa bahay namin, at nagsabing maganda ito at malaki. ito ang masasabi ko. hindi ito ang dream house ko. ang dream house ko yun tila anim ang palapag. malaki ang salamin. mala-western ang istilo at desenyo. ang mga kagamitan ay 'classy'. bullet proof. fire proof. at hi-tech. voice generated ang entrance. totoo. man has no satisfaction. kahit maabot na niya ang tuktok ng bundok nais pa niyang maabot ang bituin. at pag naabot na niya gusto pa rin niyang abutin ang mas mataas, mas makinang, at mas magandang bituin.
totoo iyon, pero naiisip kong habang malaya pa ako sa bahay ko. habang nakakapahinga pa ako dito. habang nagagampanan pa nito ang tungkulin nito sa mga naninirahan rito. tahanan itong matatawag at hindi dapat inaabandona.
tapos ko nang sabihin ang gusto kong sabihin. be contented on what you have.
ikalawa, naguguluhan ako sa away sa loob ng bahay ni kuya. kung sino ang mas tama si wendy o sina g-ann at bea. parehas nagsasabi na sila ang nagpapakatotoo. parehas nagsasabi na stratehiya lang ng katunggali ang ginagawa. paerhas. di ko alam. pero sa bawat housemate may nakikita akong gawi ko. di makakaila.
wala akong gustong sabihin mula don. nais ko lang maisiwalat ang bugso ng damdamin.
i'm going home to the place where i belong. at di ako pupunta sa lugar na may mga taong itutulak ako paalis. lalo na kung tatawag tawagin ako para pumunta pero sa katapusan, iiwanan ka din.
ayokong iniiwan. ayoko. pero di ako takot. di ko kailangan maiwan sa isang tabi para makapag-isip. i need just to get back home.
jay walkers (follow up 'to)
--> follow up doon sa passers-by..siguro, hindi sila yung mga dumadaan daan lang. kanina, habang naglalakbay ako. napansin kong nakalampas na kami sa tamang tawiran pero may mga taong nag-aabang pa rin na makatawid. at nang pinagbigyan namin. nagmamadali sila. nakakatawa. siguro ganun nga ang mga taong tinutukoy ko sa nasabing post. nagmamadali. kasi naman meron bang jay walker na nagdadahan-dahan? kung hindi dila tatakbo o magmamadali, baka (1) masagasaan sila o (2) mahuli sila ng pulis. pero ano naman ang kapalit noon? siguro, parang nakabaon na rin ang isang paa nila sa lupa. tama na.
tinatapos ko na ang post na ito. marahil, kung nakakasakit lang ang salitang ito at baka double dead na sila. haha. =D
the revenge of the panis
wala na naman akong maisip na mapupulot na aral dito. wala. siguro ang paglalagay sa ref ng pagkain pag malamig na ito para hindi mapanis. ewan ko ba kung bakit? siguro kasi madaming tao ang nagugutom at hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw. kaya masuwerte tayo na nakakain tayo tatlong beses at nakakainternet pa.
ang araw ko ngayon ay walang kwenta dahil wala akong nagawang maganda na nakatulong sa kapwa at nakapagpalago ng ekonomiya. pero nakakalugod na rin na isiping nakakahinga pa ako at nabubuhay sa mundong ibabaw. nakakatawa pa rin tulad ng isang taong may maliit lang ang pinoproblema.
ang pagngiti ang maganda para sa lahat kasi hindi lang ikaw ang sasaya pati na rin ang mga nasa paligid mo.
ngiti lang. at may napapanis na pagkain, wag nang kainin. haha. anggulo kong kausap.
i am more than what you see
ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kokote ko at nagpost na naman ako dito. di ko alam. kumbaga hahayaan ko na lang ang paa ko na dalhin ako sa lugar na gusto niya. kaya hahayaan kong maglakbay ang bawat daliri ko sa bawat "butones" sa keyboard na ito. hahayaan kong bumuo ng salita ang bawat nilakbay ng daliri ko.
maikli lang ang gusto kong haba ng post nito. nasabi ko na. ewan ko kung paano pero naisip kong tama yung mga nabuong salita. medyo malalim. pero lumulutang ang bawat aral. oo. sa hindi inaasahang pagkakataon, nakagawa ako ng post ng walang preparasyon. nang hindi nag-oobserba. wala. isa lang akong baguhan.
oo. baguhan. amateur. katapusan ng post na ito.
passers by
sa kalye, madaming dumadaan, hindi ba? maraming nagmamadali, mayroong nagdadahan-dahan, mayroong nag-iingat. maraming kotseng humaharurot. maraming taong naglalakad. mayroong pagkakataong naaksidente. madami! pero halos lahat ay hindi napapansin ang kalyeng dinaraanan. pangalan lang ang tinatandaan. kawawa!
sa buhay, madaming dumadaan sa buhay natin. tulad sa kalye, nagmamadali. parang lahat may hinahabol - oras. walang panahong tumingin sa paligid. tumingin sa bagay na inihahain.
sa buhay ko, masasabi kong isa akong eskinita. oo, eskinita. masikip, makipot. minsan madilim. pero may liwanag din. may oras na ginagawa, madalas dinadaanan. dinadaanan ng mga pedikab, tricycle, kotse, truck, at iba pa. one-way. walang nakakapansin. dinadaan-daanan lang!
sa dami ng taong dumaan sa eskinita ko, walang nag-usisa kung sino ang gumawa sa eskinita, kelan nagawa, at kung anong tanong sa loob ng tinatawag na eskinita. wala. meron man, nagtanong lang pagkatapos magtanong, umalis at di pinakinggan ang sagot. meron mang nakarinig ng sagot, nagtanong sa kredibilidad ng sagot.
matagal ng dinadaanan ang eskinitang iyon. halos labinganim na rin. walang nakakaalam. walang nakikialam. sa taong iyon, dapat isa na itong pangunahing daan o kahit tulay man lang, ngunit walang nakikialam. walang may pakialam.
may mga ilaw man sa eskinitang iyon. makulay. kumukutikutitap. ngunit hindi maitatago ang lungkot. dilim. na pilit binubusalan ng liwanag. tawa. halakhak. hindi ko sinisisi ang mga dumaraan. hindi. marahil, isa lang maliit na eskinita ang kanyang dapat gampanan.
para sa lahat ng tumatawid, wag lang tumingin sa kanan at kaliwa, pati na rin sa itaas at iba, likod at harap. loob at labas.
para sa mga dinaraan daan lamang, darating din ang panahong na hindi ka na daraan daanan kundi isang atraksyon. hindi perya kundi trapik na.
walang halong biro, sa lahat ng dumaan sa buhay ko, salamat. naging parte kayo sa mga unti-unti kong binubuong parte ng pagkatao ko. marahil, huli na ang pagbuo ko sa aking sarili. ngunit binubuo ko ito para sa aking sarili at sa mga paninindigan ko sa buhay.
walang kwenta ang mga sinusulat ko sa ilan. wala akong kwenta sa karamihan. walang kwenta ang nasa aking isipan. pero, nagpapakatotoo lang ako. ito ang gusto kong maisiwalat. malaman.marinig. pero kung hindi ako marinig ngayon at sa nakakaraang pagtatangka, hindi ako mapapagod hanggat ginagawa ko ito sa tamang paraan.
walang kwenta. oo. wala. pero, tumingin. basahin. kilatisin. bago umalis.
a great taste of a great life
comparison? haha. oo. comparison!!! madalas kong maihambing ang mga nababasa ko at napapanuod ang mga nangyayari sa buhay ko, ng iba, naming magkakaibigan, magkakaklase at ng iba pa. masaya ang ganon. kasi parang alam mo ang mangyayari pag ganun ang ginawa mo. masaya! pero kadalasan, ang masaya nagiging malungkot. ang happy ending madalas nagiging crying. ewan. siguro nga. kaya nga napag-isip-isip ko minsan na hindi tamang ikumpara ang buhay mo sa napapanuod kasi iba ang takbo ng buhay sa buhay sa kamera.
kanina, parang nakita ko na naman ang sarili ko sa isang karakter sa isang palabas sa telebisyon. parang ako nga. yung kilos, paraan ng pagsasalita at sitwasyon. mahirap. akala ko lokohan lang. akala ko. nang patagal ng patagal. ewan. nananatili ako sa paninindigan kong iba ang napapanuod sa tv sa totoong buhay. mananatili ako don. pero patutunayan kong mas magiging maganda to.
tapusin ko na to at simulan ang bagong aabangan ng iba. hehe
making mistakes
napakaganda nga ng Ingles pero bakit hindi ko gamitin ang sariling atin. para mas marami ang makaintindi at makaalam. alam kong sa dinadami dami ng pinaggagawa ko sa buhay ko, marahil, nakatapakan at nakain ko na ang salitang ito. pero ang importante ang paminsan minsan ay napanindigan ko ito.
masaya ang buhay. hindi mo alam nagkakamali ka na at magugulat ka na lang malaki na ang problema at kailangan ng itama.
gusto ko munang ibahagi ang karanasan ko sa araw na ito. gaya ng mga pinagsasabi ko sa nakakaraang post ko dito. ginawa ko yung normal. ginawa ko lahat ayon sa gusto ko. minsan sumagi sa isip kong wag pumasok pero sa isang parte ng utak ko may nagsasabi pumasok ka.
normal, sa tabi ng pinto doon ako nakaupo. katabi ko yung kaisaisang kakilala ko sa klase. normal. kwentuhan tungkol sa eskwelahan na pinanggalingan at mga hilig at gusto. normal, mapuputol dahil pumasok na ang prof. pero hindi normal ang mga sumunod na pangyayari. nagkaron kami ng paksa na medyo minadali namin sapagkat dapat ay sa susunod pa namin iyon pag-aaralan.
dumating sa puntong antok na antok na ako. ayoko nang magtagal pa doon. mayroong halimbawa na para sa akin ay mali. hindi naman ako nabigo. mali nga iyon. hindi ako umiimik kasi ayokong gawin iyon. ayoko! mahirap para sa akin ang gawin iyon. alam kong mali siya pero nahihiya ako. hindi ko alam ang gagawin.
hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas ng loob para sabihin iyon. sa wakas, naisiwalat ko na rin ang damdamin pilit itinatago. nabigyan ako ng pagkakataong maisulat sa pisara ang solusyon sa nasabing problema. nalaman din ng aming prof ang kamalian niya. akala ko ayos na ang lahat. akala ko lang pala.
pagkatapos non, ay nagkaron pa ng pag-uusap. sinabi niya sa kaklase namin na magpasalamat kayo kasi ganun ganyan. naku, mukhang nakulong na naman ako sa imaheng pilit kong tinatakbuhan - ang matalino. hindi ako matalino. hinding hindi. at ang pinaka hindi ko makakalimutan ay ang sabihin niyang "I look forward na maging istudyante kita sa Algebra." huwaaaaaat!!! kanina ko napagtanto at napag-isipisip kung ano ba talaga yun. naguluhan din ako. pananakot ba yon o seryoso siya don. kung ano man yun, handa akong harapin ang bagyong kakaharapin ko.
mukhang maayos naman ang lahat kanina. mabait naman si sir deo. okay lang ata sa kanya yung ginawa ko. sana ganyan din ang mga politiko o mga humahawak sa remote control ng buhay sa Pilipinas. kapag nagkakamali sila, matuto silang makinig at dinggin ang mga maliliit na boses at tinig. at handang handang tugunan ang mga sigaw nila at tanggapin ang kamalian. itama.
hindi ganon kadali ang magtama sa mali.
sabi nga ni sir, it makes less to a person
wake up call
too early? too late? it's never late to wake up. whether, it is early or late, it is not the thing you must focus. there are many alarm clocks, but it is not the real deal for you to wake up. waking up is a personal task. even though, alarm clock can help you to fulfill this task yet discipline is ,still, the key to wake up from those lonely nights..
what's the sense of that paragraph. personally, i have a hard time of waking up. at this age, i need a help to wake up early. but somehow, i can wake up on my own. no reasons. but hell i care about waking up!!! it's not everyone's problem. maybe, one of you. i don't really know.
a while ago, i was in Manila, the capital of this country but not the business capital. i was in Intramuros to be exact. i was there for the reason i have a somewhat enrichment classes in math. i was in day six already. six done. six to go. i was not that nervous compared to i was when i was on the contest, first day on elem, my speech, and my first day in high school and college. i don't know whose steps i am following. i don't know whether i am leading it to something i never thought i could be. i have no idea.
but before i got to my school, i do the usual. i eat, ride, wait for a moment, enter the gate, look down, go upstairs, go to the cr, urinate, go upstairs, turn to the next buildings and enter to our designated room. i face again my classmates. still, i don't know any. i sit on the chair nearest the door and wait for our prof. my friend comes in while i am reading a book. then, i recommended it to her. we talked about our high school lives. we shared experiences.about that matter, i really appreciated my school - MEYCAUAYAN COLLEGE!!! thank you for giving a quality education and a lot of activities i could shout to the world. thank you! sincerely, i don't regret that i entered this school. eventhough, i have passed a school whose facilities are better than MC but i can't exchange those facilities to what i have experienced. maybe, others would not apperciate it but i don't. i know i am lucky with my school. i know. i am very fortunate.
i learned new with the exercises and discussions. new lessons. new things to ponder. that ended our session. i did the usual. walked downstairs. went out of the gate. entered the car. went straight ahead to qc.
on the way, i recalled what i saw on the other day. i saw people who just wait for others who spare them money. i saw couple whose job was to wait at the U-turn slot and help the drivers to turn safely. i saw a man who picks up junks. and other things.
maybe it is time to wake up. i am not saying to go out to the streets and spread some noise. that would not help. it should start from within. not just within oursleves but also from within our government. is this the country where our children will stay? better think now than it's very too late to wake up.
wala akong maisip eh
a lot of times, i tend to be intelligent but sometimes, i turn out to be not. pero ang state of intelligence hindi naman nakakabago at nakakababa ng pagkatao. *breaking news daw sa pbb, si nel sinugod sa hosp... hmmm... fishy ha..* back to the topic. certainly, hindi sa lahat ng pagkakataon, isip ang dapat pinapagana. dapat minsan pati puso at kaluluwa. hindi importante ang isip. oo minsan dahil kailangan sa eskwelahan at pagpapasikat sa boss, pero sa totoong buhay, mas importante ang kabaitan ng puso. kung paano ka humarap as iba't ibang tao.
hindi naman ito ang gusto kong sabihin. wala akong maisip. di tulad ng nakakaraang posts ko na puno ng obserbasyon at laman. madalas naiuugnay ko yun sa totoong buhay. pero ngayong nakaraan. wala. ito naman ay isa sa katotohan na dapat tanggapin - di lang ako pati ikaw. maging ang isang manunulat, may panahon, na wala siyang maisulat. ang pintor, walang maipinta, mang-aawit, walang boses. bilang manunulat at kompositor, ngayon kinakaharap ko yan. nabablangko. mahirap. pero darating ang oras at araw na makakagawa ako ng obra.
ayoko ng ganon!!! sobra!!! lalo na kung in-demand na. *deal or no deal na. saya* ayokong ayoko. pero kung ganon man, hindi ba't nakakauha tayo ng lakas para gawan ang napagdaanan natin. tulad ngayon, nong una iniisip kong maikli lang to, pero sa kalaunan e, humahaba na. ganon din siguro. pag madilim, gabi na yon.. at sigurado bukas maliwanag na at umaga!
tapusin ko na tong post na to kasi may naiisip akong bago... may laman... at may puso... hindi ko lang sigurado kung mabubuo ko.
things that go unexpected
as we grow older
ang importante, you have lesson(s) learned...
mahirap man o madali yun pinagdaanan... ang importante e yung experience na nagdudulot ng mga ikabubuti...
pero it's not like that... madami ding changes ang pinagdadaanan...
pisikal... madami... hindi ko inisip na magmamature na lahat... sa totoo lang nong nangangalap ako ng friends... tinutukan ko yung elem classmates and friends... nakakatuwa kasi, lahat naggrow.. nagmature... madami ang naging pagkakaiba... parang yung four years e anlaking panahon na ang nasayan ko para masubaybayan ang teleserye ng buhay nila... minsan gusto kong maging manunuod na lang pero siguro mas maganda kung makiki-epal ako sa direksyon... at least masasabi ko, i brought change sa teleserye nila...
ngayon, i'm starting na naman na maghanap ng susubaybayang teleserye... mahirap... hindi madali... lalo na bago at di ko alam kung saan magsisimula... bukas? malabo pa... kahapon? medyo malayo na... ngayon? dapat wag aksayahin... hindi mo maiisip ang mga bagay na ito kung wala kang nasayang na panahon... pero ayos na rin yon siguro... pangit din naman siguro kung ikaw na yung kumontrol sa manibela na dapat e sila... at mas lalong pangit kapag ipinakita mo na ang lahat... wala man lang silang hihilingin at hahanapin... mabuti na rin siguro yun...
as we grow older, we change... di lang sa pisikal... sa pag-uugali... pati na ang mga paniniwala sa buhay... kung dati... sarado ka sa gantong bagay ngayon bukas na bukas... maaaring ganon... maaaring hindi... walang makakapagsabi... ako? hindi ko alam... ikaw? pwede mong malaman... sila? malay nila...
as we grow older, may nawawala... may lumalabas... eto ang isang pagsubok... ang magsabi ng goodbye sa mga naging parte ng buhay mo ng walang luhang bumabalong sa mata... at mag-hello sa taong di mo kilala at kahit hindi ka pa handag humarap sa ibang tao...
nalampasan na ito ng iba... yung ate at kuya... at iba pa... bakit hindi ko kaya???
as we grow older... all we have to know is to trust... trust...
mapusok....
kelangan na ring tanggapin na sa paglipas ng panahon ay nag-iiba na ang takbo ng buhay... mahirap sumalunga sa agos pero masasabi kong mananatili ako sa pinaniwalaan ko... marahil, mahirap... kakayanin ko...
yung MMK..
---> sana magkaroon ako ng kaibigan na tulad ni rhea... pero hindi ako magiging Johnson...
end
kapagod
strange thing
ewan ko ba bakit?? parang nainis ako don... haha... sabi ko na nga lang eh... close kayo?? haha...
minsan we have not to cross lines... hehe...
siguro it is not strange to fell strange...
minsan, we feel strange if something happens... hmm... strange... ano yun???
end of walang kwentang entry...
gabi na ah
pero kailangan nga ba ang matulog?!
kung tatanungin mo ang isang hardworker at bread winner ng isang pamilya... marahil kahit walang tulugan siguro gagawin nila para sa pamilya... sa mga doctor, importante ang tulog...
para sa akin... napaka importante... dahil hindi lang ito ang oras kung saan tayo nakakapagpahinga at ang mga cells natin at dahil... nakakapanaginip ako ng relaxing na bagay...
minsan doon ko nakakasama yung taong "hard to be with"... hehe... malapit na ako matulog...
yun lang yun..
what an exciting day na naman!!!
walang masasayang na oras...
bukas, papasok ako... tapos!!!
bye bye string # 0!!!!
napigtas kasi eh... nakakalungkot...
kung kelan ko gustong tumipa saka napatid...
minsan talaga, lalo na sa di inaasahang pagkakataon... doon, nangyayari yung mga kinaayawan natin, yung mga iniiwasan... pero, mapaglaro talaga ang tadhana... minsan ganun, minsan hindi.... mahirap mag "let go" lalo na kung talagang mahirap... hindi mo masabi kung bakit at paano... minsan lalong nakakalala sa pangyayari kung pinipilit at inuudyokan.. mas mabuti siguro kung kusa o walang pilitan... hindi sa sinasabi kong mali minsan ang mga ginawa at desisyon ko... pero mas maganda kung ang oras ang nagsasabi at hindi ang sarili...
masaya ang mabuhay... mahirap ang magkamali, pero minsan mas mahirap ang itama ang mga mali... kasi kahit anong gawin mo, still that "that" remains...
hindi lang sa mga bagay at taong nawala ako nanghihinayang... marami pa.. mga pagkakataon at panahon... hindi ko lubos maisip na ganun... mahirap pero kakayanin...
to let go means not the end... yet, for me and other "hopefuls", iyon ang simula ng mas magandang plano ng Diyos sa mga bagay na pinakawalan, nawala, at naglaho para sa panibagong pakikipagsapalaran... no name-dropping... salamat...
bye bye string # 0... mamimiss kita... mamimiss ko kung mga tinutugtog natin together... pero may papalit naman sa'yo... pero di kita malilimutan... bye bye...
ikaw ba o ako ang "the one"???
bago ako talagang dumiretso sa topic ko, magkukuwento muna ako... eto ang mga obserbasyon ko kanina habang nakaupo ako sa leftmost corner ng room W416... pagpasok ko sa school premises... hanep pwede mong makita yung mga details via id.. pero di ko ginawa... freshman pa lang naman ako at wala pa akong makikita don... naglakad... tingin sa paligid... wow, parang ambaet ng mga istudyante... (parang lang kasi mayroon na paglabas ng gate, e hithit na ng sigarilyo at buga ng usok.. pero hindi naman nakakabawas ng pagkatao iyon... sa pamantasan ng lipunan ngayon parang hindi na masama pag naninigarilyo ka... kaso pag ikaw na ang hindi para ka naman "out" o iba sa normal parang abnormal o hindi ka "in"...) tawag ng kalikasan... at tawag ng banyo... dumiretso ako sa south building at sa isip ko nabubuo na ang plano ko ang papunta sa room... ayos... nabuo na!!! pagkagaling sa CR punta na 4th floor ng South building punta sa southwest at ayun... west na!!! nabuo ko ito bago makarating sa 2nd floor... lumiko sa kanan at natanaw ko na ang banyo... kaso bago pa man ako makapsok nakita ko na oras na para linisin ang nasabin lugar kung kaya't naisip kong umakyat sa 3rd floor.. ayun!!! magaling!!! sa susunod na 30 minutes pa yun lilinisin... magaling!!! may sistema... at lumabas na ako... hindi nasunod ang plano sa isip ko... pero nakarating naman sa room ng maayos sa pamamagitan ng 3rd floor -> SW -> W -> 4th floor... presto!!! may napansin ako... nadaanan ko ang guard don tapos may nakita pa ako don sa kabila... ibig sabihin apat ang guards sa isang floor sa isang building!!! astig!!! pumasok na ako... medyo nahirapan akong buksan ang pintuan... nakalimutan kong ganoon pala ang pagbukas non... pagbukas e sumambulat sa akin ang mga kaklase ko... kaunti lang sila... at doon ako pumwesto sa pinakamalapit na pwede kong upuan... mababait naman sila (pano ko nasabi??? walang gaanong ingay bukod sa bulungan sa likod ng dalawang magkaibigan at ng tugtog ng cell phone ko...) unti-unti nang dumadagsa ang mga kaklase ko parang may promo sa room... nag-bell 5 minutes bago mag-time... at nang nakita ko ang mukha ang aming propesor sa may pintuan, agad kong pinatay ang tugtog ng aking cell phone... tapos, tinawag niya ang guard at pinabuksan ang "cabinet" doon sa gilid... naglalaman ng OHP... (sa lahat ng room ay may OHP... tagyaman!!!) nagsimula na siyang magturo... at sabi niya may sakit daw siya kaya lang daw siyang pumasok kasi nahihiya siya sa amin... at ewan ko ba kung ano ang sakit niya kung sipon o nakululon ng mic kasi ang lakas niyang bumahing.... ayun... di naman namin pinansin at kinutya kung ganon ang kalagayan niya... at may bago akong natutunan ang paggamit ng synthetic division sa parehas na polynomial... kasi yung alam ko e binomial lang yung divisor e... kasi naman BULPRISA at EDDIS IV Press Con nong panahong tinuturo yon... di ko na natutunan... lagi kasing excused... at sa kalagitnaan ng discussion may kumatok sa pintuan... at inentertain naman ng prof... aba... maganda 'to... open dito ang student-prof friendship... at ilang saglit e pinapasok na siya... nang tapos na kaming turuan at oras na para sa "assessment" namin, sila naman ang nagturuan... angsaya... at ilang minuto lang, may pumasok ulit.. at hanggang sa natapos na kami... uwian na!!!
eto ang mga obserbasyon ko:
(kahit nasabi na sa itaas uulitin ko parin)
*tagyaman ang MAPUA sa OHP(projector) kasi bawat room e mayroon...
*tagyaman din ang MAPUA sa ilaw, sa isang room, anim na flourescent lamp ang meron...
*meron ding 2 ceiling fan at 2 air conditionder...
*meron ding 44 na upuan...
*merong apat na guard sa isang floor sa isang building...
*malinis ang CR at well-maintained kasi may oras ng paglilinis...
*importante ang oras kasi 5 minutes bago mag-time, e nagbebell...
*mabait ang mga tao don... mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa...
*magaling din naman magturo...
*malimit gumamit ng bond paper kesa yellow...
siguro, hindi ito ang pinakamagandang school sa buong kapuluan...maaring magaling ito sa engineering pero hindi ba't maganda kung ikaw ang magpakilala sa school mo kesa ikaw ang makilala dahil sa school mo... hindi ko sinasalunga ang mga nag-aaral sa pamosong pamantasan at unibersidad... hindi ko gustong matapakan ang mga paniniwala ko dati at ang sa iba ngayon... ang gusto ko lang ay maging "the one" para sa school ko at ang school ko para sa akin... alam ko namang hindi ako ilalagay ng nasa itaas sa kinalalagyan ko ngayon kung wala siyang magandang plano... at malay natin at kunin ko ang masteral ko sa isang kilalang unibersidad... malay lang naman natin diba...
common denominator!!!!
mamaya, pupunta na naman ako sa MAPUA for my Math Plus day 4... hay naku.. i thought mga "bulate" ang mga ma-e-encounter ko... asus!!! yun pala mga sets on the first day, "-nomials" on the second, "operations on -nomials" on the third.... medyo inaatok na nga ako(sometimes)... pero medyo enjoy na rin... haha... mamaya, kung hindi ako nagkakamali e, factoring naman... naks!!! pero sa last day namin, don palang papasok ang equations with one variable!!! wow, haha!!!
pero hindi yun yung reason bakit ako nag-post nang ganito...
sa totoo lang, yung instructor namin ( slash prof...) e, parang hindi ako iniwan ng high school... astig!!! may similarities sila ng guro ko sa high school (Hi! sir!!!hehe)... (mga utolz ko, getz nyo na yun..) kaso parang mas gusto ko si sir HS(high school teacher sa math haha para mas maikli..) kasi kung sa mga hirit, banat, at jokes ang pag-uusapan e walang panama yung sa college... hehe... tapos kung sa pagtuturo naman masyado atang spoon-feeding yun ngayon kesa sa dati... tapos, hindi pa ganon yung mga "pananakot" pero... pwede na rin si college para may bago...
mabait din naman...
still triangle DEO = triangle ONA???
haha... parehas math... mabaet... at...
ending ng walang kwentang entry...
end of another "walang kwenta" article
memory full?!
and this starts my journey on search for these matters... actually, i happen to forget simple things... like where i put my key, where i can found things, and other stuffs...
sometimes, intentionally, i forget happenings and experiences that somewhat uhmmmm... unexplainable?!
based on my experience, i have "selective amnesia"... that explains the statement before this paragraph...
maybe, (coz i can't elaborate what i proposed) it's a state of mind... nevertheless, if you chose to remember things, you can do it.. maybe, forgetting things (especially, bad things) is by the preference of the thinker...
---> another non-sense entry.... ahaha
anong nangyari kanina?!
matagal ako sa cr... hehe... ayon... iniwan tuloy ako ng car...
success naman... nakarating ako sa mapua medyo after ng 8:30... at napapirmahan ko yung mga dapat pirmahan...
ayon... nong andon na sa campus... (tnx pala kay mamang guard) tinuro sa kin yun papunta sa guidance...
upo muna tapos intay na gumalaw amg pila... galaw... upo... galaw... upo... hanggang sa ayon... ako na pala ang iinterviewhin...
sa interview... (tnx kay kuya rowell) diniscuss yung results... natatawa ako.. haha... ayun tapos na interview(sinadya ko talagang tapusin okay... haha)...
labas ako sa building... tapos... punta ako sa west building... ayun... fill-up pila tapos kuya bp, height etc... tapos ayun balik mali pala may nakalimutan akong step...
ayun... punta ako sa pavillion... asus... upo... ay naku... mali na naman... step 3 kagad don.. haha... ayun... finally nakita ko na yung step 1... registration... lagot... hinarang ako... ahhhh.... kasi wala pa pala urine sample... ayon... punta ako sa south building... (tnx south building yun kasi yung gamay kong builing... pati yung southwest at west.... tnx din) ayon.... tapos na... punta na ako sa step 1.... ayon... fill up ulit... tapos bigay yung samples.... haha... step 2 na... nakooo... wala nang preparasyon.... walangjones!!! haha... binigay ko yung kamay ko... kuha sila ng dugo... hindi naman masakit... nakakatuwa lang kasi nakakakiliti pag-sinisipisip ng maliit na tube yung dugo... at pulang-pula... yum yum yum.... (haha... at that time mag-aalas dose na... mga 11 something...) tapos na... ang galing... tapos ayun don na talaga sa step 3... X ray... upo... hintay... inip.... tingin cellphone... may nagtext... malas... may spy pa daw.... tsk tsk tsk... hindi pinansin... upo pa rin.. hintay.. inip... away yung nanay non 238 at 240... gitna ako... 239 yung control no. ko... haha... after several years of waiting at syempre na-tetempt sa naririnig na conan sa tv... at last pinapasok na kami sa mobile clinic... astig!!!! malamig sa loob... pinatanggal shirt... tapos wag daw gagalaw... ayon... tapos... sabi nila bago ako lumabas hintay daw sa labas... e ako hintay naman... pagkatapos ng sampung freshmen na lumabas at dumiretso sa ibang direksyon... natauhan ako... napagtripan ako... haha... alis na ako... at pumunta sa west... asus... diretso sa mental(pauso ko to... walang kokontra... medical + dental = mental) haha... tapos labas... finally natapos na yung pinunta ko don...
meron pa pala isa... pumunta akong main... tapos nagtanong ako sa registrar window 3... astig... anlamig don... parang laging tag-ulan... tinuro ako sa window 4... ako si sunod.... weeee... pila.... tagal ng sinundan... weee... ayun... isa na lang... kaso antagal... yung nasa window 2... na nasa likod ko lang kanina... wala na... buti tinawag ako nung nasa window 2... ayun... bigay requirements... at 2 x 2 colored id picture.... at presto... swap kami... nasa akin na yung id ko... weeee!!! parang gusto kong magtatalon don kaso baka ma-expel kagad ako don... haha...
labas.... intay... punta sm... punta 4 flr... pila.... order... upo... kain... mabilis... tapos... may tumayo... si kuya jeff... tuloy... alis... travel... balik mapua.... presto... late sa math plus...
1:30 ---> kasalukuyang tinutumbok ang intramuros...
finally, nasa mapua na ako,... diretso sa west building... 4th floor... w416... lampas... punta sa cr... balik sa room(napansin ko madami na ako kaklase... no room na sa urination,..) katok... bukas... upo... ayun... kinausap ko ang parker... asus... inayos ang relo... ayun... 4:30 na... nag-bell.. natuwa ako... labas... baba... punta sa may McDo... hanap ng cr-v... sakay... lipat ng radyo... ayos ng upo... welcome QC!!! bili ng maiinom sa chowking... balik sa sasakyan... inom konti... nlex na... pakarga gasolina... ayun.... bahay na... tapos sumalubong ang motor ng smart bro... yes!!! at ngayon... hehe internet na...