Thursday, April 24, 2008

3day nanny

Una sa lahat, welcome B-L-O-G!!!

ikalawa, adik ka!! (kinakausap ang sarili!) may assignment ka pa sa English eto pa ang inuna mo!

share ko lang sa mga kaawa-awang makakabasa nito (sa totoo lang di ko alam kung paano ang mangyayari dito, pero sige type na lang ng type,) ang istoryang medyo funny na katakot din. :)

eto yun. uuwi yung dati naming kasambahay sa davao. halos isang buwan siya dun. since nag-aaral ako. nagtatrabaho ang aking mga magulang. kailangan pa ng isang tutulong sa kasambahay na naiwan. tiyempo naman na may nangailangan ng work kasi unemployed siya for a long time. we're churchmates. e di ok na. ayun. umuwi na si ate noong lunes. dumating naman yung nanny na isa. ok naman. matino naman (siguro) at marunong magluto. (ayos! di na kailangan ni ina na humawak ng sandok upang makakain kami.)

tuesday, first night niya sa amin. okay naman. kailangan ni ina na magpahilot. since nag-uurong pa si ate, si nanny muna ang pinaakyat na sa kwarto. noong panahong iyon, nakikinood ako sa kwarto nina ina. hahahaha

umakyat na si nanny. nasa bathroom si ina. bumaba si nanny, ewan ko. adik. nang umakyat siya, ok na. kung akala ko na ok na noon di pala. pambungat niya. "ampanget naman ng tv dito!" hahaha. hindi nga maganda yung tv compared dun sa sala. di hamak na mas malaki at mas maganda yung reception. pero DUH! anong karapatan mong magreklamo?!

kung akala ko at ikaw na yun na ang huli. nagkakamali tayong lahat. ang pasunod niyang hirit, "angineet naman dito!" trash! bumili ka ng sarili mong ERRRRRRRRR-con. potakte!

di ko muna pinansin yun. ang mga side comments ko sa itaas ay ngayon ngayon ko na lang finormulate. sabi ko, "ok lang yan." sa sarili ko ha..

kahapon, WEDNESDAY.. plantsa day. nagplantsa si ate. hahaha. (e ano naman kung nagplantsa siya?) eto nga. syempre division of labor. si nanny ang dapat magdefrost ng fridge. ayun na nga. since, konti lang kami. di namin nauubos lahat ng naluluto kaya tinatabi sa fridge para makain ulit. sa sobrang dami ng non. (ayon kay nanny) nainis siya kasi pabalik balik daw siya at ano daw bang klaseng pagkain yun andun. (i.e. longganisa.) at ang mas malala. ang sabihin "bakit hindi pa itapon ito." hindi yun yung exact words. but i believve the same context.

it was the end. since our home is a home of our beloved dogs, kelangan namin silang alagaan at pakainin. (nearly 10 yung aso namin. takot daw siya sa aso.) at nandiri siya sa dog foods. err. e ano ang gagawin namin sa kumakalam na sikmura ng mga aso. sabihan na, tiis ka na lang ayaw niya na pakainin kayo. CHOOSY sya e. si ate to the rescue. kahit namamlantsa siya. siya na ang nagpakain. forgiven.

dahil nga may inutos si mommy kay ate. umalis siya. at maiinit dahil sa summer. kelangang diligan ang mga halaman else they will die. sabi ni ate kay nanny padilig naman yung halaman kasi nga nagplantsa siya. take note polite yung pagsabi. after few minutes, walang tubig na lumagaslas sa mga lupa at walang halamang nadiligan. hanep! si ate na ulit ang nagdilig. naglagay na lang ng plastik. kawawa.

err. it was not the worst. hapunan na. at may hapunan bang walang pagkain. for dinner, nagpababa ( meaning, ilabas from the fridge para ma-defrost) si mommy ng isda na papangatin kay ate. at nagtanong siya kung ano yung pangat! duh! kala ko ba alam mo halos lahat. (sabi niya noong interview, a Sunday way bay weeks ago.) di niya alam in short!

di niya alam ang gagawin. di niya alam yung sangkap. di niya alam. wala. wala. wala.

habang nanunuod ako ng american idol sa kwarto ko. nagluluto sila. at eto ang mga nangyari. sa pagluluto nila ng pangat. hmmmm. si ate at mommy ang nagluto. (ineexpect ko na dahil dalawa na sila. at marunong namang magluto yung isa, hindi na hahawak ng sandok ang aking ina) at iyon. nandun si nanny sa isang pintuan opposite noon ang isa pang pintuan where my mom cooks. dahil kelangan ng pampaasim yun, nilagyan nila ng sampalok yung powdered. at eto ang exact words na sabi niya. "Sige. taktakan mo. taktakan mo pa. PWEH!" wow. whata brave act to do.

bago kami matulog, nangamba kami sa aming sarili dahil tingin namin ang may "@" siya. err. ayun.

kaninang umaga, on our breakfast, i had to do a move. since i know na ayaw niya ng bawang or other 'stinky' foods/spices for her, i said things. dahil wala akong vacant kanina, magbabaon ako ng sandwich. chicken sandwich yun. at nais ko may sibuyas yun para mas masaya. kaso wala e. i said "bakit walang bawang? sino ba kakain nito." hahaha. di direkta pero epetib.

aalis na naman kami. iiwanan ang bahay. at they have to do tasks. pero wow. ang gumawa lang si ate. si nanny? wala nakahiga. buhay senyorita.

my mom called my aunt and said the whole story. (i had my practice on vocals esp. band on their home. i had said the story to her nanny. ayun. alam na din niya gabi pa lang..) what a clever move. my aunt asked the 3day nanny's sis to come to her house. for an ivestigation, nalaman nila na bh pa siya. kaya ganun.

pinapunta yung sis, ang kinuha na si nanny. ending ng 3day nanny.

No comments: