antagal ko bago nagpost dito.. at syempre madami din yung di ko naipost dito.. yung hp.. yung conflict with hp.. yung trust (referred as a virtue hahahha) thing.. yung karmic wall.. yung mga get-togethers. yung blockmates.. dami!!!!!!!!!!!!!!!!!! super..
pero wala naman silang gaanong impact.. (ows.. di nga..)
well, napanuod ko na naman yung practice ng graduation nung gagraduate.. HAHAHAHAHA!!
pero parang halong saya at lungkot yung naramdaman namin.. saya kasi para sa kanila.. tapos na yung mga quizzes.. dept'l exams.. recitation.. at iba pa.. saya ulit para sa min na ilang years na lang kami na yung andun.. tapos na rin.. pero lungkot kasi pag kami na yung andun.. medyo malabo na magkita kami.. iba iba na yung tatahaking landas.. may pasulong at may paurong HAHAHAHA.. pero parang ansaya nila.. ang saya..
i just remember what a classmate said.. "hindi lahat ng ayaw nakakasama.. tulad ng pag-aaral di mo gusto pero kelangan mo.." i oppose.. hahahaha.. di mo kelangan ng edukasyon - mula sa apat na sulok ng paaralan.. di mo kelangan.. di iyon ang batayan ng pagiging tao - maging matalino.. pero habang tumatagal nagiging sukatan ng kagalingan ng isang tao ang kanyang talento at talino.. isang nakakalungkot na aspeto ng buhay..
hindi kasi importante kung alam mo yung derivatives.. yung trigonometric functions.. yung completing the square.. yung big bang theory.. yung balarila.. leksikon.. yung pronouns.. at iba pa.. unless gusto mong sumali sa isang game show!!!
hindi iyon importante.. hindi iyon ang batayan ng "existence" ng isang tao..
hindi iyon importante.. hindi ka maiiligtas ng talino mo.. hindi..
ang importante ang ginagawa mo.. kahit hindi ka matalino kung malinis ang kalooban mo.. at nakakatulong ka sa iba.. masasabi kong isang kang tunay na tao!!! hahaha..
hindi rin sukatan ng tagumpay ang edukasyon.. maraming mga nagpunyagi at yumaman at naging mabuting tao kahit hindi sila nakatapos ng pag-aaral o nakapagaral..
sino ba yung nag-oppose sa religion??? yung mga mahihirap at walang pinag-aralan?? yung mga outcastes ba?? sino yung gumawa ng mga makinang nagpapabuti ng gawain?? sino?? yung mga kuntento ba sa mano manong gawain?? sila ba?? o yung mga taong nais lamang na paunlarin ang "mankind" at hindi ang buong mundo - including its inhabitants niche and shelters...
SHARING:
1.knowledge
2.intelligence
3.wisdom
yan yung level of intelligence.. hahaha.. una if you know something you're knowledgeable.. if you mastered something.. you're intelligent.. but!!!! if you know and do what's right.. you're wise.. eto yung pinakamahirap at pinakamataas na antas..
bilang pangwakas.. hindi naman sa sinasabi kong dapat hindi tayo mag-aral.. hindi.. huwag mo lang iprioritize.. therefore, "i'm the ultimate breker of my own aphorism." - taken from Inday.. hindi importante ang pag-aaral.. pero since we are living in this world where education is the basis of one's worth.. kelangan mo parin.. =p
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment