Saturday, September 15, 2007

am i doomed to fail?

ito ang last day ng lecture days sa MIT first term. angsaya na malungkot.. **hahay, dapat ba akong mag-english kasi baka mabasa ng TNB staf.. ewan..** kasi naman, masaya kasi nakaraos din sa walang patumanggang mga zero, quizzes, sermon at ingay. masaya kasi umaarangkada na ang tren ng kaalaman. lumalalim ang pagkakakilanlan sa mundo pati sa mga ka-ekekan nito mga orasyon, ritual at tradisyon. at malungkot kasi magkakahiwalay na ang mga taong pinagbuklod ng tadhana - ang pagiging blockmates.. mawawala na parang bula ang mga pinagsamahan..

okey kokey.. sa humanities kanina akala ko napakahirap ng exam. madali naman kahit papaano.. bukod sa mga pinatay at binababoy na mga pangalan.. mga taong huwaran naging rape victim, chop chop at iba pa.. funny.. ambait ni mam.. nakz.. haha.. sa trigo ansaya parang joke na naman.. umulan ng makakapal na clearbook.. mga papel de border.. haha.. ansaya.. nagkaroon ng tips para pumasa.. funny.. ansaya.. sa english, walang kamatayan sulatan.. writing writing writing.. happy.. nasabihan ako na sana magkita pa kami sa next term.. mabait kasi ako.. haha.. ayun, nagpaalam ako para sa interview.. ayun, pinayagan naman at nakarating sa oras.. tumalon muna tayo sa algebra.. ayun, sumilip lang ako para magpaalam.. sa pagsilip ko pambungad pa lang ang accept? oo naman.. tatanggapin ko ang exemption.. 98.9 na kaya ang grade ko.. bakit hindi? ayun, salamat at mabait ang prof ko.. salamat..

sa mga prof ko, salamat sa paggabay di lang sa akin kundi sa kapwa ko kamag-aral.. salamat sa pasensya..

*ano ba to parang graduation hahahaha*

sa TNB naman.. ayun, nag-intay ako ng matagal.. kabado.. at minalas kasi nabura ko yung mas maayos na recorded music.. malas kasi pawis na ako.. malas kasi antagal.. parang tinubuan na ng ugat ang pwet ko.. haha.. malas kasi parang hindi ako papasa.. =c

parang ayaw ko na tuloy ituloy to.. kasi parang wala akong binatbat sa mga kasabayan ko.. wala akong edge.. wala akong bilib sa sarili ko.. parang ubos na ang salop ng kaangasan.. umurong ang lahat ng tibay ng loob.. kinabog ng staff ang confidence ko.. wala naman kasi ako noon e..

sige, nasabi ko na rin e.. ituloy ko na.. pagpasok ko humarap ako sa kanila.. obvious naman na haharap ako sa kanila kasi nasa harap ko sila.. pinalagay ang gamit ko sa gilid.. careless.. binaba ko sa gilid.. pinadescribe ang self ko.. pero bago ko sagutin picture taking muna.. (di ko alam para saan yun?? for file o scandal? haha) smile ako.. yung parang pilit.. pero bago magflash ang cam inayos ko naman.. ewan ko lang kung nakuha ng camera yung maayos.. ayon sinagot ko na naman.. nagpakilala konti. pero di sila natuwa.. nagalak at naligalig.. kaya tinatong nila ako.. madami.. pero tingin ko naman naging mabait sila sa akin.. hindi tulad ng ibang tinanong na mukhang haggard.. pero bago pala ako pumasok ginoodluck ako ng isang staff di ko alam ang name pero kamukha siya ni ate nelle. medyo lumakas ag loob ko nun.. balik sa nauna.. hindi nila ako tinanong sa calculus.. na sana yun na lang kasi marami akong masasabi.. ansaya.. sariwa pa ang mga pahirap sa amin.. sana.. sayang.. hindi ako dinebate.. kasi baka magdugo lang ang ilong ko.. at maubusan ng english.. haha.. medyo joke lang yun.. maraming mga tanong.. nasagot ko naman sana.. tapos sa likod may pinabasa pero di ko naintindihan.. haha.. pero gusto kong magpasalamat sa NEWTON dahil kinompose niyo ang utol na kinanta ko.. salamat.. at pinapunta nila ako sa S303..

malapit na magbell bago ako nakarating sa room ni sir agapito.. mukhang maraming ginagawa kaya di na ako pumasok.. ayokong mangistorbo ng klase.. ayoko.. kaya sa next subject na lang ako nakigulo.. sa S311.. ayun parang mag relax ako sa interview with sir.. ewan.. kasi isa lang siya.. maganda naman ang mga sagot ko.. sana.. at nagkusang loob na sabihin sa sumunod na interviewee na S311 na ang room..

ewan.. parang pagkatapos ko, ansaya ko kasi parang nawalan ng tinik sa dibdib ko.. pero na-realize ko hindi ako pumasa at hindi ako papasa.. ewan.. parang nakakalungkot lang.. i can't get over.. parang i've lost a chance to live a lifetime.. i've seen my downfall in the most painful way.. i've known my capacity the worst way.. i am feeling moribund because of this.. my life goes insipid as this ruined my life.. hahay.. but i never will get tired of trying again.. but if it is not my kismet, goodbye TNB..

kasi may mga messages sa group ng about sa thursday.. wala ako non.. hindi ko alam.. kaya di ako umaasa at nag-english ng ganyan.. pero salamat na rin sa inyo sa paggulo sa sistema ko.. how i wish i never did that.. but i don't regret it..

there's life after TNB.. ang hope ng talunan.. LOSER.. how i wish i am not.. but if being a loser will make me the best, why not lose.. paikot ikot.. nakulong sa kaisipan. natakot sa mangyayari.. ibang iba ang post na to sa original kong pinaplano.. dapat yung mga gagawin ko sana.. mga dapat kong sinagot pero naging dapat kong gawin.. hay..

hindi naman kasi ganoon kagaling na manunulat.. pero naniniwala ako na dapat kong paniwalaan ang sarili ko.. ang tanging maniniwala sakin ang sarili ko..

2 comments:

ambersoul said...

everybody is liable to fail. look at it as a greater beginning rather than a clumsy downfall. believe that everything happens for a reason. ako yung nagtanong sayo na 'do you think this is the right time?' where you answered 'I hope so..' laban lang. if this is not it then try to keep yourself together. It's really an amazing thing to pass the exam and proceed as an interviewee. just imagine, out of an approximation of a hundred students who took the exam, you were able to get ahead of them. try to see things in a brighter light. you did well. keep believing you can ;)

jeypz05 said...

Wow. I think no one will read this. And, looking back, masyado akong bitter sa nangyari. At angbobo ko pang magcompose ng blog. Duh?! Punctuations and capitalizations please. Anyway, to ambersoul, thanks for this reply. If nanamnam ko tong reply na 'to before, baka I tried to apply again. Kaso, hindi ko ata naintindihan.

Note to self, di sa lahat ng bagay dapat mong labanan. Pero, kung gusto mo talaga, ibigay mo na lahat.